April 22, 2024
Gamit at benepisyo ng rose essential oil

Gamit at benepisyo ng Rose essential oil

Sharing is Caring

Ang rose essential oil ay isa sa mga mahal na langis. Ayon sa Bois de jasmin, para makagawa ng isang kilong langis, kailangan mo ng apat na tonelada ng rosas. Kaya kung nakakita ka ng 1ml na rose essential oil na may presyong 1,000 php, huwag magtaka. Magtaka ka kung ang 10ml ay nasa 500 php. Maaaring ito ay diluted ng carrier oil o synthetic o tinatawag na FRAGRANCE (rose)oil.

Ang rosas din ang tinatawag na ¨Queen of all Roses¨ at ang nagbigay ng pangalan na yan ay si Sappho. Gumawa rin ito ng isang poem tungkol sa mga Rosas.

Rose essential oil

Maraming varieties ang rosas at lahat ng ito ay maaaring kainin. Kung meron kang rosas na tanim, maaari mo itong gawing langis sa pamamagitan ng oil infusion, o gawing hydrosol o rose water. Pero pagdating sa mga rosas at usapan sa essential oil, sa lahat ng uri ng rosas, ang pinakamagandang quality ay ang damask rose o rose otto. Ito ay marami sa bansang Bulgaria, Turkey at Iran. Kaya sila rin ang main producer at main exporter ng rose essential oil.

Gamit at Benepisyo ng Rose Essential Oil

Ang rose essential oil ay ginagamit sa meditation, aromatherapy, skin care at sa paggawa ng perfume.

MEDITATION– ang rose essential oil ay pinaniniwalaang itataas ang vibrational frequency mo kaya ito rin ay ginagamit sa aromatherapy.

AROMATHERAPY– sa aromatherapy, ang rose essential oil ay makakatulong sa depression, stress, pagkabalisa, pagkamuhi.

MASSAGE– maaari ring gumawa ng massage oil nito para gamiting pangmasahe para irelax ang katawan at isipan. Ito ay isa rin sa mga aphrodisiac na langis.

SKIN CARE– ang langis na ito ay maganda sa mature at dry skin at kung sensitive ang balat. Makakatulong sa peklat, stretch marks, hyperpigmentation dahil ito ay rejuvenating at regenerating sa balat. Maaari kang gumawa ng mga face oil, lotion, toner o mask gamit ang langis o ang mosmong bulaklak nito.

PERFUME– kagaya ng sandalwood essential oil at iba pang mamahaling langis, ang rose essential oil ay importante sa paggawa ng mga iba’t ibang uri ng pabango. Lalong lalo na sa mga branded perfumes kagaya ng Chanel at Bulgari.

Paano gamitin ang rose essential oil

Ang kadalasang paraan ng paggamit ko sa rose ay ang i-diffuse ito at gamitin sa paggawa ng perfume. Minsan ay pinaghahalo ko ang lavender essential oil at rose essential oil sa pagdi-diffuse habang nagrerelax sa silid tulugan.

Para sa akin, ang effect sa akin ay, parang meron akong panibagong lakas at panibagong pagtingin sa buhay. Nagiging mas positive ako, tanggal ang negativity at stress, physical man o mental stress.

Kung gagamitin naman itong pang masahe, i-dilute lang ito sa carrier oil. Mahal ang rose essential oil, pero sulit ang bayad mo. Dahil kailangan mo lang ng konti para makagawa ng mga DIY.

Gamitin ito sa cream, toner, lotion para makuha ang benepisyo nito sa balat. Gamitin sa perfume kung gusto ng floral at gorgeous na pabango. Isama ito sa iyong formulation ng skin ang hair care.

Paano gumawa ng massage oil gamit ang rose essential oil

MGA SANGKAP

  1. Carrier oil 2 teaspoon
  2. Rose essential oil 1 drop

Kung gusto mo naman ng solido, lagyan ng 1.5 gram to 2 grams ng beeswax.

Maaari ring gumamit pa ng ibang essential oil na may aphrodisiac effect 😀

Hindi mo lang ito magagamit sa masahe, ito ay maaari ring gamitin sa balat bilang serum para lunasan o i-maintain ang iyong kutis o i delay ang signs of aging.

Paano gumawa ng Rose Face Serum gamit ang Rose essential oil

Pagdating namang sa mukha, makakagawa ka rin ng face serum gamit ang langis na ito. Importante na pumili ng langis na magandang gamitin sa mukha. Halimbawa ng mga carrier oil na maganda sa balat ng mukha ay, jojoba oil, argan oil, evening primrose oil. Pumili ng fixed oil na hiyang mo.

Rose Face serum

Lagyan ng 1-2 drops ang 10ml na langis. Ilagay ito sa brown bottle. Alugin.

I-apply ito sa mukha. Maganda itong gamitin ng may sensitive skin, mature skin. Makakatulong sa wrinkles, age spots.

Maaaring panoorin ang video.

Mga bagay na maaaring gawin sa Bulaklak ng Rosas

Kung meron kang mga bulaklak ng rosas, maaari mong gamitin ito sa iyong skin care. Maaari mo itong gawing mask, gawing tea para gawing water ingredient sa paggawa ng skin care products, o gawin itong toner.

Makakagawa ka rin ng extract o langis ng rosas. Ang extract ng halaman at ang infused oil nito ay magagamit mo rin sa buhok at balat at magagamit na sangkap sa DIY products.

Paano gamitin ang Bulaklak ng Rosas sa Balat

Ang pinatuyo at pinulbos na bulaklak ng rosas ay maaari mong gawing facial mask. Ihalo ito sa clay, lagyan ng tubig, rose water o hydrosol, o ano mang likido na gustong gamitin. I-apply sa mukha at ibabad ng 5-10 minutes. Banlawan.

Rose clay facial mask

Paggawa ng facial mask gamit ang bulaklak ng rosas o rose.
Panoorin ang VIDEO

Paraan ng paggawa

Paghaluin ang 1 kutsaritang rose powder at 2 kutsarang kaolin clay. Haluin itong mabuti. Kung may rose essential oil (optional), maaaring magpatak ng 1 (drop) sa rose facial clay mask.

Ito ay para sa mature, dry and sensitive skin.

Ilagay ang rose clay facial mask sa garapon at iwasan na mabasa ito. Ito ay walang expiration pwera na lang kung napasukan ng moisture o tubig.

ROSE TONER

MGA SANGKAP:

  1. Rose tea- 89.8g
  2. Rose extract- 5g
  3. Vegetable glycerin- 5g
  4. Preservative- 0.2g

PARAAN NG PAGGAWA

  1. Ibabag ang 1 kutsaritang napulbos na pinatuyong bulaklak ng rosas sa 100g na mainit na tubig. Pabayaang mababad ito ng kahit 10 minutos. Salain.
  2. Kunin ang 89.8g na rose tea.
  3. Lagyan ng glycerin.
  4. Pag bumaba na ang temperatura sa 40c, ilagay ang rose extract.
  5. Lagyan ng preservative.
  6. Ilagay sa bote na gagamitin.
  7. Parating alugin bago gamitin.
Toner na gawa sa bulaklak ng rosas o rose flower
Panoorin ang VIDEO

Maaari nyo ring lagyan ng rose essential o ibang essential oil na gustong gamitin.

Gabay sa Paggamit ng Rose Essential Oil

INCI– Rosa damascena flower

Usage rate– depende sa paraan ng paggamit

Solubility– insoluble in water

Note/Accord– middle note sa paggawa ng perfume

Color & Texture pale/clear to light yellow

Ginagamit sa– aromatherapy, meditation, topical use, DIY cosmetics

Benepisyo– sakit sa ulo at sakit sa katawan, anti depression, stress, anti inflammatory, rejuvenate & regenerate skin.

Spiritual & Magical use– love, increases vibrational frequency

Protective measures/Contraindicationspatch test, i-dilute sa carrier oil, buntis

Storage– ilayo sa sinag ng ilaw o araw

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *