April 22, 2024
Gamit at benepisyo ng mint o spearmint essential oil

Gamit at benepisyo ng Spearmint Essential Oil

Sharing is Caring

Malaki ang posibilidad na araw araw tayong in-contact sa mint o spearmint. Pagkagising sa umaga, maaaring may spearmint o peppermint flavor ang toothpaste at ganon din sa mga sabon na ating ginagamit. Ito ay kadalasang flavor sa mga hygiene o cosmetic products dahil sa refreshing aroma nito. Pag sa benepisyo naman, ito ay marami ring taglay.

Ano ang Spearmint Essential Oil

Ang spearmint ay pinaniniwalaan na pinakamatandang halaman na mula sa mint family (Lamiaceae). Ang halamang spearmint ay pinadaan sa steam distillation para makuha ang volatile oils nito. Ginagamit ang essential oil nito sa aromatherapy, sa balat, sa buhok, flavorings ng mga gamot, cosmetics, pagkain, inumin at candy.

Benepisyo ng Spearmint Essential Oil

Maraming mga properties ang mint essential oil, ito ay sinasabing anti inflammatory, astringent, decongestant, antibacterial, antifungal, natural na pain reliever. Sa mga properties na yan, magbebenepisyo ang katawan, balat at isipan.

1.Aromatherapy- ito ay ginagamit sa aromatherapy para ma-relax ang katawan mula sa stress. Magbibigay din ito ng sense of comfort sa panahon na may nervous tension na nararamdaman.

Ultrasonic essential oil diffuser

Kung may mga sakit na nararamdaman, kagaya ng muscle aches, sakit sa ulo, ito ay maaari ring gamitin sa paraan ng aromatherapy o massage.

Ang spearmint essential oil ay decongestant din, kaya kung may sipon o ubo, makakatulong din ang pagdi-diffuse ng langis na ito.

2.Massage– maaari rin itong gamitin sa pagmamasahe kung walang essential oil diffuser para sa mga karamdamang nabanggit sa taas. Pero kung kaya ang dalawa, Aromatherapy + masahe= aromatherapy massage – mas bongga!

Benepisyo ng pagmamasahe gamit ang essential oil

3. Skin care– pwede ring gamitin ang spearmint essential oil sa iyong skin care at maraming paraan kung paano ito gamitin.

4.Hair care– kung nangangati, flaky o may balakubak, magagamit mo ang langis na ito bilang lunas. Makakatulong sa inflammation ng anit.

Maganda at malusog na buhok ng babae. Tamang pag aalaga ng buhok.

Paano gamitin ang Spearmint Essential oil sa aromatherapy

Kung gagamitin ang langis na ito sa aromatherapy, magandang gumamit ng ultrasonic essential oil diffuser. Pero kung wala, maaaring gumamit ng ibang paraan ng pag diffuse ng essential oil. Magdiffuse ng langis nito at mag-relax.

Paano gamitin ang Spearmint Essential Oil sa Pagmamasahe

Kung sa pagmamasahe naman, kailangan na i-dilute ang mint essential oil sa isang carrier oil. Maaaring gumamit ng coconut oil, grape seed oil, sunflower oil. Pumili ng mga essential oil na maganda o nourishing sa balat. Mag-diffuse ng langis nito kung may diffuser, para lalong relaxing.

Paano gamitin ang Spearmint Essential Oil sa Balat

STEAM– gamitin ito sa pag steam ng mukha. Makakatulong itong mabuksan ang pores ng balat para malinisang mabuti at matanggal ang dumi. Makakatulong din na matanggal ang blackheads at white heads.

Maglagay ng 3-4 na patak ng essential oil sa 500 ml na mainit na tubig.

Spot treatment– maaari rin gamitin ang spearmint essential oil bilang spot treatment sa tigyawat.

Paano gamitin ang Spearmint Essential Oil sa Buhok

Maaaring gumamit ng 2-3 patak ng essential oil sa iyong ginagamit na shampoo. Pabayaan ito ng mga 3 minuto bago banlawan.

Iba't ibang uri ng shampoo at conditioner. Mga hair care products sa isang tabo.

Pwede ring gumawa ng mixture ng langis na maaaring ipahid sa anit.

Paano gumawa ng Spearmint Essential Oil Balm

Maaaring gumawa ng spearmint balm na magagamit mo sa lahat ng pangangailangan. Pwede sa pangmasahe, pang spot treatment sa tigyawat o sa kagat ng insekto kagaya ng lamok.

Paraan ng Paggawa ng Spearmint Essential oil Balm

Ilagay sa heat resistant bowl ang 2 grams na beeswax at 20 grams ng carrier oil na gagamitin sa hot water bath. Antayin itong matunaw at haluing mabuti. Pag tunaw na ay hanguin sa init. Pababain ang temperatura. Ilagay ang 1 gel capsule ng vitamin e o 0.5 grams, haluin ulit mabuti. Ipatak ang 3-5 drops ng spearmint essential oil. Haluin ulit mabuti. Maaari ng gamitin.

Paggawa ng langis ng spearmint gamit ang halaman

Kung meron kang halaman ng spearmint o mint, gawin itong langis sa pamamagitan ng oil infusion. Isa itong praktikal na paraan kung walang makitang legit na essential oil o walang mabili. Mas makakabuti nalang na gumawa nito kesa gumamit ng pekeng langis.

Paggawa ng extract ng spearmint gamit ang halaman

Ang halamang spearmint ay maaari ring gawing extract gamit ang honey at iba pang paraan ng paggawa ng extract ng herbal na halaman.

Paggamit ng Spearmint Essential Oil sa DIY Cosmetics

Ang mint essential oil ay magagamit mo sa paggawa ng mga DIY cosmetics. Gamitin ito bilang natural na fragrance sa paggawa ng mga lotion o cream, lip balm, perfume para sa refreshing scent.

DIY Cosmetic products

GABAY sa Paggamit ng Spearmint Essential Oil

INCI– Mentha spicata

Usage rate– depende sa paraan ng paggamit

Solubility– insoluble in water

Notes/Accord– middle to top notes sa paggawa ng pabango

Color & Texture– clear, pale yellow

Ginagamit sa– aromatherapy, massage, topical application, DIY hair & skin care, perfume

Benepisyo– antibacterial, antifungal, anti inflammatory, astringent, decongestant, pain reliever

Protective measures/Contraindicationspatch test, i-dilute sa carrier oil for topical use. Buntis, nagpapasuso at may epilepsy.

Storage– ilayo sa sinag ng araw at ilaw

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *