April 22, 2024
Ang paggamit ng camphor oil o camphor essential oil sa pagmamasahe at iba pa.

Gamit at Benepisyo ng Camphor Essential Oil

Sharing is Caring

Masasabi ko siguro na lahat ng Pilipino ay naranasan nang mapahiran ng Efficascent oil, no? Ito malamang ang first choice ng karamihan ng mga pinoy sa pagmamasahe. Bukod sa abot kaya sa bulsa ang efficascent oil, masasabi nating epektibo nga sa iba’t ibang uri ng sakit sa katawan. Konti lang ang sangkap na ginamit sa efficascent oil na nabibili at nakalista ito sa label ng produkto. At isa nga diyan ang Camphor oil o essential oil. Dahil kung sakit sa katawan ang pag-uusapan, ang camphor oil ay epektibo diyan.

Ano ang Camphor essential oil

Ang camphor essential oil ay mula sa puno ng cinnamomum camphora o mas kilala sa tawag na camphor tree. Para makakuha ng essential oil o langis mula sa punong ito, idadaan sa proseso ng steam distillation ang kahoy ng puno ng camphor tree. Merong grading sa kalidad ng camphor oil, merong yellow, brown at white. Ang white camphor ang safe gamitin na maaaring gamitin sa paggawa ng mga gamot, produkto para sa buhok at balat. Pero sa panahon ngayon, ang camphor oil ay meron naring synthetic version.

Mga benepisyo ng camphor oil o camphor essential oil

Ang mga benepisyo ng Camphor oil ay;

  1. Analgesic
  2. Antiseptic
  3. Antispasmodic

Mga gamit sa camphor oil o camphor essential oil

Ang camphor essential oil ay ginagamit sa mga sumusunod;

1. Liniment

2. Balm o salve

3. Shampoo

4. Sabon

5. Steam inhalation

6. Lotion

Gabay sa paggamit sa Camphor Oil/Essential oil

INCI– cinnamomum camphora

Usage rate– up to 1%

Solubility– oil

Color & Texture– yellow

Ginagamit sa– basahin sa taas

Benepisyo– basahin sa taas.

Protective measure– hindi ginagamit na hindi diluted

Storage– colored glass bottle at ilayo sa sinag o sikat ng araw.

Paano gumawa ng sarili mong Efficascent oil gamit ang Camphor Essential Oil

Ang Efficascent oil ay isang liniment. Ang liniment ay isang pamahid o pangmasahe sa parte ng katawan na may karamdaman o masakit. 4 ang sinasabing ingredients ang ginamit sa efficascent oil.

  1. Camphor
  2. Methyl Salicylate– ito ay methyl ester ng salicylic acid. Ito ay isa ring produkto na ginagamit sa sakit ng katawan at kasukasuan.
  3. Menthol– meron din itong benepisyo sa sakit ng katawan at kasukasuan at nagbibigay ng lamig sa balat.
  4. Turpentine oil– ito naman ay mula sa resin ng puno ng pine. Ito ay may benepisyo rin sa sakit ng katawan at kasukasuan.
  5. Eucalyptus oil– isa sa benepisyo ng eucalyptus oil o essential oil ay nakakatulong ito sa pagpawi ng sakit sa katawan.

Sa isang DIY’er na kagaya ko, hindi accessible sa akin ang turpentine oil at methyl salicylate. Pero kahit wala ang dalawang sangkap sa paggawa ko ng sarili kong version ng efficascent oil, epektibo parin ito na bigyan ng ginhawa ang sakit ng katawan.

Mga sangkap sa paggawa ng pangmasaheng langis na may CAMPHOR

1.Grapeseed oil- 28.95 grams

2. Menthol crystal- 0.3 grams

3. Camphor essential oil- 0.3 grams

4. Vitamin e- 0.15 grams

5. Eucalyptus essential oil- 0.3 grams

Eucalyptus essential oil sa isang amber o brown bottle

Paraan ng paggawa ng pangmasaheng langis na may CAMPHOR

  1. Pagsamahin ang grapeseed oil at menthol crystal. Ipainit ito hanggang sa matunaw ang menthol crystal.
  2. Hanguin sa apoy. Haluin at pababain ang temperatura sa 40 degrees centigrade.
  3. Isunod na ihalo ang camphor oil, vitamin e at eucalyptus essential oil.
  4. Haluing mabuti at tuluyang palamigin.
  5. Ilipat sa bote na de color.

Ready na ang pangmasaheng langis na may camphor essential oil!

Panoorin ang VIDEO

Maaaring gumamit ng ibang essential oil, pumili lamang ng essential oil na epektibo sa pananakit ng katawan o kasukasuan kagaya ng, ginger essential oil, rosemary essential oil, peppermint essential oil, marjoram essential oil, pine essential oil at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *