April 22, 2024
Allantoin powder na ginagamit sa paggawa ng skin care products at makeup na maaaring gawin sa bahay.

Bakit maganda sa balat ang Allantoin

Sharing is Caring

Maganda ang allantoin sa balat kaya ito ay karaniwang ginagamit sa mga skin cream, lotion o moisturizer. Pero bukod diyan, ito ay ginagamit ding sangkap sa mga hair care products kagaya ng shampoo, makeup, lipstick o lipbalm, baby cream, shower gel, after shave na produkto, serum, toner, astringent, ointment, deodorant at marami pang iba. Ang allantoin ay maaaring magmula sa extract ng halaman o gawa sa laboratory.

Ano ang benepisyo ng Allantoin sa BALAT

Ang allantoin ay maraming benepisyo sa balat kaya ito ay madalas makikita sa mga skin care products dahil sa mga hatid na benepisyo.

  1. Anti-inflammatory– ito ay nakakatulong para maiwasan o mapawi ang inflammation sa balat. Ito ay kadalasan mong makikita sa mga skin care ng may sensitibong balat, acne, skin rashes, sakit sa balat kagaya ng eczema o psoriasis. Pagdating naman sa buhok, ito ay ginagamit din sa shampoo dahil nakakatulong ito sa problema sa balakubak.
  2. Wound healing– ang allantoin ay maganda rin sa balat dahil sa abilidad nitong pabilisin ang paghilom ng sugat.
  3. Peklat o Scar– nasabi rin na ang allantoin ay nakakatulong din na bawasan ang pormasyon ng peklat sa balat. Maaari mo itong gamitin sa paggawa ng ointment o balm na parang sebo de macho.
  4. Keratolytic– kagaya ng urea, ang allantoin ay maganda rin sa balat dahil ito ay keratolytic. Nakakatulong ito na i-exfoliate ang dead skin cells para lumabas ang panibagong balat.
  5. Anti-aging– ang isa sa benepisyo ng allantoin ay ang anti-aging properties nito. Nakakatulong ito sa pag stimulate ng fibroblasts para sa produksyon ng collagen sa balat. Isa pang kagandahan ng allantoin sa balat ay sa pagpapakinis nito. Nakakatulong ito na matanggal o mabawasan ang kulubot o wrinkles, hyperpigmentation o pangingitim ng balat.
  6. Hydrates– ang allantoin ay nakakatulong din na maiwasan ang pagkatuyot ng balat.

Sa mga benepisyong yan ng Allantoin, maaari mo itong gamiting sangkap sa paggawa ng iba’t ibang uri ng skin ang hair care products, makeup at mga ginagamit sa labi kagaya ng lipstick o lip balm.

Lipstick na gawa DIY, homemade o gawa sa bahay gamit ang simpleng paraan at simpleng mga sangkap o ingredients
Lip balm na gawa sa bahay gamit ang mga natural na sangkap gaya ng iba't ibang uri ng langis.

Ang una kong ginawang skin care products na may allantoin ay ang hand cream. Dahil sa madalas na nababasa ang aking kamay sa kahuhugas, nag kakaroon ng dryness at kati.

Simple lang gawin ang basic hand cream na may allantoin.

Paano gumawa ng Basic Hand Cream na may ALLANTOIN

Mga Sangkap sa paggawa ng Basic hand cream

1.Rose water o rose hydrosol– 45.75g

Mga iba't ibang uri ng hydrosol o floral water na ginagawa sa paggawa ng hair and skin care products

2. Vegetable glycerin- 10g

Vegetable glycerin na gamit sa paggawa ng skin and hair care products at herbal extracts.

3. Allantoin- 0.5%

4.Macadamia nut oil- 12g

5. Shea butter- 15.5g

6. Isopropyl myristate- 8g

Isopropyl myristate na ginagamit sa paggawa ng cosmetic products

7. Glyceryl stearate- 2g

8. Cetearyl alcohol- 2g

9. Cetyl alcohol- 1.5g

10. Vitamin e- 1g

11. Essential oil o fragrance oil- 1.25g

Essential oils at iba' ibang gamit dito
Ibat ibang uri ng Fragrance oil na ginagamit sa paggawa ng cosmetics o pabango

12. Preservative– 0.5g

Mga preservatives sa paggawa ng diy cosmetics, hair care products at skin care products.

Paraan ng paggawa ng Basic Hand Cream na may ALLANTOIN

  1. Pagsamahin ang rose water o hydrosol, glycerin at allantoin powder. Haluin at itabi.
  2. Sa isang lalagyan, paghaluin ang langis ng macadamia nut, shea butter, isopropyl myristate at ang 3 uri ng waxes.
  3. Ipainit ang #1 and #2 hanggang sa 75 degrees, siguraduhing tunaw ang mga waxes. Tanggalin sa apoy o init.
  4. I blend ito gamit ang immersion blender o stick blender.
  5. Ang blending time ay medyo matagal, hindi ko alam kung ito ay dahil sa characteristic ng emulsifying wax na glyceryl stearate o depende ito sa nabiling produkto.
  6. Pag bumaba na ang temperatura sa 40 degrees, ihalo ang vitamin e, essential oil o fragrance oil at ang preservative. Ang ginamit kong essential oil sa video ay ang essential oils na may soothing properties din, ito ang chamomile essential oil at ang lavender essential oil. dinagdagan ko ito ng vanilla fragrance oil para mabalance ang scent ng produkto.
  7. Muling i blend hanggang sa thick na ang consistency ng DIY basic hand cream.
  8. I-adjust ang PH o potential of hydrogen at muling i blend.

Ready na ang basic hand cream 🙂

Gawa sa bahay na hand cream na may allantoin
Panoorin ang VIDEO

Gabay sa Paggamit ng Allantoin

INCI– Allantoin

Usage rate– 0.5-2%, depende sa manufacturer

Solubility– water

Color & Texture– white powder

Ginagamit sa– skin and hair care products, makeup, lipstick at lipbalm

Benepisyo

Protective measures

Storage– Iwasang masinagan ng araw at moisture.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *