April 22, 2024
Gamit at benepisyo ng chamomile essential oil o manzanilla essential oil

Gamit at benepisyo ng Chamomile Essential oil

Sharing is Caring

Maraming uri ng chamomile ( Manzanilla ) essential oil. Pero dalawang uri dito ang mas nangingibabaw sa lahat ng varieties. Ito ay roman chamomile essential oil at german chamomile essential oil. Pareho itong hango sa bulaklak ng halamang chamomile. Ang halamang chamomile ay hindi lang pinagkukunan ng langis, ang halaman nito ay isa ring herbal dahil sa mga benepisyong hatid nito sa kalusugan.

Wala halos pagkakaiba ang 2 uri ng chamomile essential oil kung pag uusapan ang mga benepisyong hatid nito sa kalusugan. Ang german chamomile essential oil ay mas matapang lang kung ikukumpara sa roman chamomile essential oil. Kaya kung gagamitin ito sa bata o matanda, mas safe ang roman essential oil. Kaya yung aceiti de manzanilla na ginagamit sa baby para hindi kabagin at lunas sa kabag ay roman chamomile essential oil.

Gamit at Benepisyo ng Chamomile essential oil

  1. Aromatherapy– kagaya ng lavender essential, ang chamomile essential oil ay isa sa mga essential oil na ginagamit bilang anti anxiety, stress reliever na langis na ginagamit sa aromatherapy. Kung hirap makatulog, makakatulong din ito sa iyo. Sa katunayan, meron akong ginawang basic relaxing body mist spray. Ito ay aking ginagamit bago matulog sa gabi.
  2. Perfume– ginagamit ito sa paggawa ng perfume. Meron itong floral scent.
  3. Massage– ginagamit din itong massage oil para maibsan ang mga sakit ng katawan pati na rin ang sakit sa ulo, kabag o sakit ng tiyan, at menstrual cramps.
  4. Skin & Hair care– kung sa hair and skin care naman gagamitin ay marami rin itong hatid na benepisyo. Ito ay may anti wrinkle properties, nagpapaputi ito ng balat kung may hyperpigmentation o discoloration. Nakakatulong din daw ito sa eczema, pamumula, at sa iba pang iritasyon ng balat. Kung sa buhok at anit naman, tumutulong itong mapalambot ang dry hair at irritated na anit na sanhi ng dandruff o balakubak.

Sa mga gamit at benepisyong hatid ng chamomile essential oil, maaari mo itong gamitin sa paggawa ng mga cosmetic products sa bahay.

Saan ginagamit ang chamomile essential oil sa paggawa ng DIY Skin & Hair care products

Ang chamomile essential oil ay ihahalo mo lang sa mga produktong DIY na gagawin mo sa bahay. Magformulate ng mga sangkap na sa tingin mo ay lunas sa problema sa balat o buhok. Makakagawa ka ng mga produktong magagamit mo sa iyong hair & skin care.

Halimbawa

  1. Hand cream
  2. Face moisturizer
  3. Serum
  4. Face wash
  5. Foaming face wash
  6. Shampoo
  7. Conditioner
  8. Eye gel
  9. Facial gel
  10. Soothing gel
  11. Facial mask
  12. Foot mask
  13. Perfume

Paano gumawa ng Soothing Gel gamit ang Chamomile essential oil

Ang paggawa ng aloe vera soothing gel ay para lang din paggawa ng basic aloe vera gel. Itong soothing aloe vera gel ay dinagdagan lang ng allantoin, chamomile essential oil at infused oil.

Mga sangkap sa paggawa ng Soothing gel

  1. Aloe vera leaf extract– 34.65g
  2. Xanthan gum- 0.25g
  3. Vegetable glycerine- 2.5g
  4. Water ( distilled )- 10g
  5. Allantoin– 0.25g
  6. Polysorbate 20- 1.5g
  7. Chamomile essential oil- 0.25g
  8. Chamomile infused oil- 0.5g
  9. Preservative- 0.1g

Paraan ng paggawa ng Soothing gel

  1. Pagsamahin ang vegetable glycerine at xanthan gum. Haluin itong mabuti.
  2. Ihalo ito dahan dahan sa aloe vera leaf extract. Haluing mabuti hanggang sa makabuo ng gel like consistency.
  3. Ilagay sa hot water bath.
  4. Ilagay ang allantoin sa water ingredient. Haluin. Ilagay din sa hot water bath.
  5. Antaying tumaas ang temperatura sa 75c pagkatapos ay hanguin ang 2.
  6. Ihalo ang pinagsamang tubig at allantoin sa gel ingredients. Dahan dahan itong ihalo para gawing jelly.
  7. Antaying bumaba ang temperatura sa 40c.
  8. Ilagay ang chamomile essential oil, chamomile infused oil at ang preservative sa polysorbate 20. Haluing mabuti ang mga ito.
  9. Pag bumaba na ang temperatura sa 40c, paghaluin ang mixture na nabanggit sa no.6 at no.8
 vera soothing gel with chamomile/Manzanilla essential oil na gawa sa bahay.
Panoorin ang VIDEO

Meron na kayong aloe vera soothing gel. Maaari nyo itong gamitin sa balat na nakakaramdam ng kati, pamumula, sugat, blister o paltos sa paa. Maaari rin itong gamitin sa paa at legs na pagod.

Maaari ring dagdagan ng tea o tsaa ng halamang chamomile o manzanilla ang recipe.

Paano gumawa ng massage oil gamit ang chamomile essential oil

Ang pinakasimpleng maaaring gawin kung gagawa ng massage oil gamit ang chamomile essential oil ay lagyan lamang ito ng langis o carrier oil. Pumili ng langis na gagamitin at patakan ito ng chamomile essential oil.

Halimbawa

  1. Camelina oil- 10g
  2. Chamomile essential oil- 3-5drops
  3. Vitamin e- 1 gel capsule or 0.5g

Ihahalo lang ang lahat na sangkap sa isang brown bottle. Alugin. Meron ka ng massage oil na gagamitin. Ito ay relaxing, calming, sleep inducing at pain reliever din.

Kung gagawa lang ng oil blend para sa pain reliever, maaaring magdagdag ng black pepper oil o black pepper essential oil, peppermint essential oil, ginger oil, lemon essential oil at iba pang langis na maaaring gamitin para lunasan ang sakit sa kasukasuan.

Kung walang makitang chamomile essential oil o manzanilla essential oil, maaaring gumawa ng oil infusion.

Sa paggawa ng oil infusion, magandang gumamit ng tuyong bulaklak nito. Maaari ninyong mabili ito sa mga health stores. Pero kung wala talaga, maaaring gamitin ang chamomile na nasa tea bag.

Gamit at benepisyo ng chamomile o manzanilla o mansanilya sa kalusugan, kutis o balat at buhok

Paano gumawa ng facial serum gamit ang chamomile essential oil

Kung gagawa naman ng serum na gagamitin sa mukha, pumili ng langis na madaling maabsorb ng balat o hiyang mo.

Sa ginagawa kong facial serum, gumagamit ako ng argan oil, rosehip oil o jojoba oil, maaari ring paghalo haluin ito. Ang 10ml na langis ay papatakan ko ng 1-2 drops ng vitamin e, 1 drop ng chamomile essential oil. Ilalagay ko ito sa isang brown bottle. Aalugin.

Meron ka ng oil serum.

Marami ka pang maaaring gawin gamit ang chamomile essential oil o ang simpleng infused oil nito. Pag gagawa ka ng mga DIY skin and hair care products at ang formula ay nangangailangan ng langis, maaari mong gamitin ang infused oil o ang essential oil ng manzanilla/chamomile.

Try mong mag experiment. 🙂

Pero bago gumamit ng chamomile essential oil at iba pang essential oil, huwag kakalimutang magsagawa ng patch test para masiguradong wala kang allergy dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *