April 22, 2024
Paraan ng paggamit ng body mist spray sa bahay gamit ang essential oils

Paano gumawa ng Body Mist Spray

Sharing is Caring

Ang body mist o body spray ay uri ng perfume na may pinaka konting concentration ng fragrance oil o essential oil. Ito ay nasa 3-5% lamang ang concentration at ang amoy ay tumatagal lamang ng ilang oras. Yung mga nabibili sa mercado, kadalasan ang main ingredient dito ay alcohol. Meron ding kumpanya na gumagawa ng body mist na ang majority ng sangkap ay water o hydrosol pero mangilan ngilan lamang.

Ang body mist ay light lamang. Hindi ito kagaya ng parfum at iba pang uri ng perfume na heavy at pangmatagalan. Kaya kung gusto mo lang ng light na scent, eau de fraiche o body mist ang para sayo. Maaari mo rin itong i-customize sa preference mo.

Maaari mo itong gawin sa bahay dahil maaari kang gumawa ng simpleng body mist lamang. Walang masyadong ingredients. Meron akong paboritong mixture ng essential oils na ginagamit ko pagkatapos maligo at bago matulog sa gabi. Very relaxing ito sa katawan at isip. Nakakatulong ito sa akin para ma de-stress ang isip at katawan.

Paano gumawa ng Relaxing Body Mist sa Bahay

Mga sangkap at sukat sa paggawa ng relaxing body mist

  1. Rose water / rose hydrosol– 42.4g
  2. Essential oil– chamomile 0.45g, lavender 0.75g, vanilla 0.3g
  3. Vegetable Glycerin– 1.5 g
  4. Alcohol– 4.5g
  5. Preservative– 1 drop

Paraan ng paggawa ng relaxing body mist

  1. Ilagay ang vanilla, lavender at chamomile essential oils sa lalagyan. Haluin ito.
  2. Lagyan ng vegetable glycerin, alcohol at rose hydrosol. Haluing mabuti.
  3. Lagyan ng preservative. Alugin.

Paano gamitin ang relaxing body mist

I spray ito sa katawan pagkatapos mag shower sa gabi o bago matulog. Maaari ring i-spray sa unan at kumot. Ang chamomile essential oil at lavender essential oil ay kilala bilang sedative ( pampatulog o pampakalma ), relaxing at calming na uri ng essential oils. Sa aromatherapy ay ginagamit ito para sa depression, anxiety, insomia at iba pang nararamdaman.

Mga ingredients na ginamit sa body mist spray

1. Preservative– isang patak lamang ng preservative ang ginawa ko dito kaya kailangang ilagay sa ref para tumagal ng at least 3 linggo. Lalo ring nakaka refresh ito pag medyo malamig sa panahong napaka init. Ang 50g na ito ay tumatagal lang sa akin ng 2-3 weeks kaya hindi ko masyadong nilalagyan ng preservative.

Pero maaari nyo paring dagdagan ng preservative para lalong tumagal.

2. Water/Hydrosol & Alcohol– maaari nyo ring baliktarin ang sukat ng water ingredient at alcohol ingredient. Pwedeng mas maraming sukat ang alcohol. Depende na ito sa gusto mo. Kung ayaw nyo ng masyadong ma alkohol, ito ang recipe na para sa inyo.

Paano gumawa ng relaxing body mist spray na may polysorbate 20

Ang polysorbate 20 ay ginagamit ding body mist spray para gamiting solubilizer.

MGA SANGKAP

  1. Essential oilschamomile essential oil .45g, lavender essential oil .75g, vanilla 0.3g
  2. Polysorbate 20– 1.8g
  3. Vegetable glycerine– 1.5g
  4. Alcohol– 4.5g
  5. Rose water– 40.5g
  6. Preservative– 0.2g

PARAAN NG PAGGAWA

  1. Ilagay ang mga sangkap na essential oils sa polysorbate 20. Haluing mabuti.
  2. Isunod na ilagay ang glycerine, alcohol, rose water at preservative.
  3. Ilagay ito sa bottle spray.

Sa recipe na aking ginagawa, konti lang ang nilalagay ko dito. Kung gustong maging clear ang produkto, maaaring gagamit ka ng doble o triple ng sukat ng essential oils na ginamit mo. Ang problema sa polysorbate, kung masyadong marami ito ay nagiging malagkit. Kaya konti lang nilalagay ko. Yung sukat na, 1-2 alog lang fully mixed na ang body mist spray.

Maturation process sa paggawa ng BODY MISTS

Sa mga ginawa kong video, hindi ako nag mature ng essential oils dito. Ideally, sa paggawa ng perfume, kailangan na idaan ito sa maturation process para magcombine ang amoy ng mga essential oils ( o fragrance oil ) na ginamit.

Maaari ninyong paghaluin ang mga essential oils sa isang bote. Itabi ito ng at least 3 days. After 3 days, ilagay na ang ibang sangkap. Sa ibang nabasa kong libro, merong ding hinahalo na dito ang gagamiting alcohol. After ng maturation process, ilalagay na ang ibang sangkap. Kaya maraming paraan sa paggawa ng mga body spray.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *