April 22, 2024
Benepisyo ng niacinamide o vitamin b3 sa kalusugan ng balat o kutis

Mga Benepisyo ng Niacinamide sa balat

Sharing is Caring

Ang Niacinamide o vitamin b3 ay isa sa alam nating vitamin b complex. Maraming benepisyong hatid sa kalusugan ng katawan ang bitaminang ito. Marami rami tayong source ng mga pagkain na mayaman dito. Ayon sa article ng medlineplus.gov, ang niacinamide ay makikita sa yeast, karne, isda, gatas, itlog, green vegetables, beans at cereal grains. Kung sa supplement naman, kagaya ng multi vitamins, kadalasan sa hindi, kasama na ang niacinamide pag sinabing multivitamins.

Pagdating naman sa skin care products, ang niacinamide ay isa sa mga sikat at mabentang pangalan ngayon sa mercado. Popular ito dahil sa napakaraming hatid na benepisyo sa ating balat.

Ano ang mga benepisyo ng Niacinamide

Sa article ng healthline, naglagay dito ng 10 benepisyo sa balat o kutis.

  1. Immunity– tumutulong daw ito na gawing firm at malusog ang balat.
  2. Lipid barrier– tumutulong daw ito sa pag retain ng moisture sa ating balat para maiwasan ang dryness. Kaya isa rin ito sa mga ingredients ng mga creams o serums para sa may mga edad.
  3. Minimizes redness and blotchiness– kung may inflammation ang balat kagaya ng acne, pamumula, eczema, nakakatulong daw ang niacinamide dito.
  4. Minimizes pore appearance– nakakatulong daw ito sa may mga open pores.
  5. Regulates oil– para sa balat na oily, makakatulong ang niacinamide na i kontrol ito.
  6. Protects against sun damage– makakakita ka ng sunscreen ng mukha at katawan na may halong niacinamide bukod sa titanium dioxide o zinc oxide. Pinaniniwalaang nagbibigay din ito ng proteksyon sa balat.
  7. Treat hyperpgimentation– tinatanggal nito ang mga pangingitim ng balat.
  8. Minimizes fine lines & wrinkles– sa mga skin problem na dulot ng edad at sobrang exposure sa araw, makakatulong daw ang niacinamide dito.
  9. Protects against oxidative stress– tumutulong daw ito sa skin regeneration habang prinoprotektahan ang balat mula sa exposure sa araw, polusyon at mga toxins.
  10. Treats acne– nakakatulong din daw itong lunasan ang acne o tigyawat.

Mga skin care products na maaaring gawin sa bahay gamit ang niacinamide

Magagamit mo ang ingredient na niacinamide sa paggawa ng iba’t ibang uri ng skin care products.

  1. Serum
  2. Cream
  3. Lotion
  4. Sunblock o sunscreen
  5. Eye cream o gel
  6. Hair care products

Paano gumawa ng serum gamit ang NIACINAMIDE

Ang niacinamide serum ay madali lang gawin at hindi kumplikado. Sa formulang ito, konting ingredients lang din ang gagamitin.

MGA SANGKAP PARA SA 30g

  1. Reconstituted aloe vera leaf extract- 29.52g
  2. Niacinamide- 0.3g
  3. Hyaluronic acid– 0.12g
  4. Preservative- 0.06g

PARAAN NG PAGGAWA NG NIACINAMIDE SERUM

  1. Tunawin ang niacinamide sa reconstituted aloe vera leaf extract. Madali lamang tunawin ang niacinamide sa tubig o sa mga hydrosols.
  2. Lagyan ng preservative at haluin mabuti.
  3. Ilagay ang hyaluronic acid powder. Bahagyang haluin. Takpan at itabi ng ilang oras.
  4. Kunin ang potential of hydrogen o PH. I-adjust ito.

After few hours, meron ka ng HYALURONIC & NIACINAMIDE,

Anti-aging at pore minimizer na SERUM!

Maaari kayong gumamit ng substitute sa aloe vera leaf juice gamit ang aloe vera leaf powder. Maaaring gumamit ng ibang hydrosol o pwede naman ang tubig lang. Maaari nyo pang dagdagan ng niacinamide ang recipe. Basta basahin ang label ng manufacturer dahil andun ang usage rate ng mga produkto.

Hyaluronic acid at Niacinamide

Ang hyaluronic acid at ang niacinamide ay parating magkasama sa serum. Importante at marami rin kasing benepisyo ito sa balat. Ang isa pang function nito sa formula o produkto ay bilang gelling agent. Kung wala kayong makitang hyaluronic acid powder, maaaring gumamit ng polymers kagaya ng xanthan gum, guar gum, carbomer.

Mga benepisyo ng paggamit ng niacinamide Serum

Pag bumili ka ng niacinamide serum, ang kadalasang nakalagay na benepisyo sa label ng kanilang produkto ay, para sa ¨pores¨ at ¨moisturizer¨. Hinding hindi yan nawawala. Secondary na benefit nalang siguro ang pampaputi at anti wrinkle. Depende sa ginamit na mga sangkap sa produktong serum.

Gabay sa paggamit ng NIACINAMIDE

INCI– Niacinamide

Usage rate– 1-6%

Solubility– water

Color & Texture– puti

Ginagamit sa– cream based skin care products, shampoo, gel

Benepisyo– basahin ang taas ng post

Protective measure sa paggamit– ang niacinamide na ginagamit sa cosmetic ay hindi iniinom.

Storage– tighly sealed container

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *