April 22, 2024
Mga iba't ibang uri ng hydrosol o floral water na ginagawa sa paggawa ng hair and skin care products

Ano ang Hydrosols na ginagamit sa Skin and Hair care products

Sharing is Caring

Ang hydrosol ay isa rin sa mga importanteng sangkap sa paggawa ng mga DIY skin and hair care products sa bahay. Mai-encounter mo rin ang salitang hydrolat, ito ay isa pang tawag sa hydrosol. Ang hydrosol o hydrolat ay by-product lamang ng prosesong steam distillation sa pagkuha ng essential oil ng mga bulaklak o halaman. Nahihiwalay ang water soluble constituents ng mga halaman mula sa oil soluble constituents. Kaya kung benepisyo ang paguusapan, ganon din ang benepisyong makukuha mo sa hydrosol pero sinabing less than 5% na lang ito kung ikumkumpara sa essential oil.

Maaari ring i- DIY ang hydrosol kung meron kang copper still. Isa ito sa pangarap ko, ang magkaroon ng sarili kong copper still para mag DIY ng hydrosol. 🙂 Pag nagkataon siguro, lahat nalang ng dahon ay iproproseso ko 😀

Ano ang mga benepisyo ng Hydrosol sa Skin and Hair

Maraming hatid na benepisyo ang hydrosol sa skin and hair. Siempre, alalahanin din na ang iba’t ibang uri ng hydrosols o hydrolats ay may kanya kanyang benepisyong hatid sa kutis at buhok. Pero ang common na benepisyo ng mga hydrolats ay;

  1. Astringent at toner– ang halimbawa ng hydrosol na may astringent at toning effect ay ang witch hazel hydrosol at rose hydrosol.
  2. Anti inflammatory– kung anti inflammatory naman, calendula hydrosol, lavender hydrosol, chamomile hydrosol, cucumber hydrosol, rosemary hydrosol ang mga hydrolats na maaaring gamitin para sa inflammed na balat.
  3. Cell regeneration– kung skin renewal o cell regeneration naman, ang rose hydrosol, geranium hydrosol ay maganda rin diyan.
  4. Moisturizer– maaaring gamitin ang clary sage hydrosol at rose hydrosol.

Pumili ng hydrosol na gagamitin na babagay sa pangangailangan ng inyong kutis.

Kung sa buhok naman, ang hydrosol ay meron ding mga benepisyong hatid.

  1. Dry & oily scalp– gumamit ng hydrosol na may moisturizing benefit.
  2. Inflammed scalp– kung inflammed ang anit dahil sa dandruff o balakubak, gumamit ng hydrosol na may anti inflammatory properties.
  3. Hair growth– makakatulong din ang hydrosol kung may problema sa paglalagas ng buhok. Ang halimbawa ng hydrosol na maaaring gamitin kung hair loss ang problema ay ang rosemary hydrosol. Kagaya ng herb na rosemary o ang essential oil man nito, maaari itong gamiting natural na lunas sa paglalagas ng buhok.

Ano ang iba’t ibang Uri ng HYDROSOLS na ginagamit sa skin and hair care products

Napakaraming iba’t ibang uri ng hydrosols na maaari kang mabili online man o offline. Ginagamit ito sa paggawa ng mga skin & hair care products na maaari mong i-DIY o gawin sa bahay. Piliin ang hydrosol na sa tingin nyo ay magbibigay ng benepisyo sa inyong skin & hair.

  1. Calendula hydrosol
  2. Chamomile hydrosol
  3. Clary sage hydrosol
  4. Cucumber hydrosol
  5. Geranium hydrosol
  6. Lavender hydrosol
  7. Lemon balm hydrosol
  8. Lime hydrosol
  9. Orange blossom hydrosol ( tinatawag ring neroli hydrosol )
  10. Peppermint hydrosol
  11. Rosemary hydrosol
  12. Rose hydrosol
  13. Witch hazel hydrosol

Meron ka ring makikitang aromatic water sa mga supermarket o health stores, ito ay hindi hydrosol. Ang aromatic water ay gawa sa ibang method. Pero maaari mo itong gamiting substitute kung wala kang makitang hydrosol. Ang kadalasang binibili kong aromatic water ay ang rose water at neroli water o orange blossoms. Mas mura din ang aroma water kung ikukumpara sa hydrosol. Pero iba parin yung quality at amoy ng hydrosol kung ikukumpara mo sa aromatic water.

Saan ginagamit ang Hydrosol sa Skin and Hair care products

  1. Toner-gamitin itong substitute ng tubig o kasama ng tubig sa paggawa ng toner.
  2. Body mist o facial mist– gamitin itong substitute o kasama ng tubig sa paggawa ng body mist o facial mist.
  3. Lotion, cream, moisturizer– gamitin itong isa sa mga liquid ingredients sa paggawa ng lotion, cream o moisturizer.
  4. Facial serum– gamitin ito sa paggawa ng water based facial serum.
  5. Facial sheet mask essence o clay mask– gamitin ito sa paggawa ng essence ng facial sheet mask o sa preparation ng mga clay masks.
  6. Perfume– sa paggawa ng perfume o pabango sa bahay, maaaring gamitin ang hydrosol o hydrolat.
  7. Shampoo o conditioner– gamitin itong substitute ng tubig sa paggawa ng shampoo o conditioner o kasama ng tubig.

Paano ginagamit ang Hydrosol sa paggawa ng Skin and Hair care products

Ang hydrosol ay madali lang gamitin sa paggawa ng skin & hair care products. Ito ay maaari mong gawing substitute sa tubig kung may water ingredient ang iyong formula. Maaari rin itong kasama sa iyong water ingredient. Ito ay maaari sa cold phase o hot phase ng formula, depende sa iyong ginagawang produkto sa bahay.

Ang isa sa pinakamadaling skin care product na maaari mong gawin gamit ang hydrosol ay ang paggawa ng toner.

Paano gumawa ng Basic Toner gamit ang hydrosol na witch hazel

Ang Witch hazel hydrosol ay ang karaniwang ginagawang toner na ginagawa sa bahay.

Mga sangkap sa paggawa ng basic toner gamit ang Witch hazel hydrosol

  1. Water- 20ml
  2. Witch hazel- 27ml
  3. Vegetable glycerin- 3ml
  4. Preservative- 1 drop.

Paraan ng paggawa ng basic toner gamit ang witch hazel hydrosol

  1. Pagsamahin ang water, witch hazel hydrosol, vegetable glycerin sa isang bote. Alugin ito.
  2. I-adjust ang ph o potential of hydrogen.
  3. Lagyan ng 1 patak ng preservative na inyong gagamitin.

Kung ang 50ml na DIY toner ay magagamit nyo sa 3 weeks, maaaring huwag ng lagyan ng preservative ang basic toner. Ilagay lang ito sa fridge at tatagal ito ng maraming linggo.

Maaari ring magdagdag ng essential oil, maraming iba’t ibang uri diyan na maaari ninyong pagpilian. Pumili ng essential oil na babagay sa inyong balat. Maaari ring lagyan ng extract ng halaman at iba pang mga sangkap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *