April 22, 2024
Paano ginagamit ang calcium carbonate sa paggawa ng DIY makeup at hair and skin care products sa bahay.

Bakit ginagamit ang Calcium Carbonate sa Makeup at Personal care products

Sharing is Caring

CALCIUM CARBONATE

Ang calcium carbonate ay karaniwan mong makikita na sangkap ng mga toothpaste. Maraming gamit ang calcium carbonate sa paggawa ng makeup at iba pang personal care products. Ginagamit ito sa paggawa ng makeup at iba pang personal care products dahil marami itong benepisyong hatid. Ang calcium carbonate ay mura din na sangkap at madaling mahanap. Kung bibili ng sangkap na ito, siguraduhing ito ay cosmetic grade ( o food grade ) at hindi industrial grade.

MGA MAKEUP AT PERSONAL CARE PRODUCTS NA MAY CALCIUM CARBONATE

  1. Eyebrow cream
  2. Eyeshadow
  3. Foundation
  4. Blush
  5. Body powder
  6. Toothpaste
  7. Creams
  8. Soap
  9. Whitening products
  10. Body scrub products o exfoliating products

Bakit ginagamit ang calcium carbonate sa Makeup at Personal care products

Ginagamit ito sa mga produktong nabanggit sa taas dahil sa mga benepisyong hatid nito.

  1. Abrasive– ang calcium carbonate ay ginagamit sa toothpaste dahil ito ay abrasive. Ito raw ay kailangan para matanggal ang plaque at ang mantsa ng ngipin. Ang halimbawa pa ng mga abrasives na ginagamit sa toothpaste ay silica, alumina, magnesium carbonate. At dahil sa abrasive na characteristic nito kaya maaari ring gamiting pang scrub sa balat para matanggal ang mga dead skin cells. At sinasabi rin na ito ay may abilidad na paputiin ang kutis.
  2. Mga powdered cosmetics– kung makikita mo naman ang calcium carbonate sa mga powdered cosmetics kagaya ng body powder, face powder o foundation, blush, eyeshadow ( pressed o powder ) at iba pang mga makeup kagaya ng eyebrow cream, ito ay dahil sa ang calcium carbonate ay ginagamit bilang: filler o bulking agent ( pamparami ), anti caking o anti crease ( para maiwasan ang pagbuo buo ng makeup) at ang abilidad nitong mag absorb ng moisture at oil o langis ng balat.
  3. Oily skin- kagaya ng nabanggit sa taas, ang calcium carbonate ay ginagamit sa makeup at iba pang personal care products dahil sa abilidad nitong i-absorb ang sobrang langis ng kutis o balat.
  4. Opacifier– ito ay opacifier din kagaya ng titanium dioxide o zinc oxide. Kung gusto mong i tone down ang shimmer o medyo matte ang finished product, ang calcium carbonate ang isa sa mga sangkap na maaari mong gamitin sa mga DIY makeup na gagawin sa bahay.
  5. Pagbula ng sabon– pag ito ay sinama sa sangkap sa paggawa ng sabon kagaya ng liquid soap, makakatulong ito sa bilis ng pagbula ng sabon.
  6. EmulsionРginagamit din ito pag gumagawa ng mga cream, lotion o moisturizer para lalong mapaganda ang ¨creamy¨ texture ng produkto.
  7. PH– ito ay maaari ring gamiting pang adjust ng potential of hydrogen o buffer.

Mga Gabay sa Paggamit ng Calcium Carbonate

INCI– calcium carbonate

Usage rate– 0.5-25%, 3-10%. Depende sa manufacturer kaya basahin ang label ng nabiling produkto.

Solubility– water insoluble

Color & Texture– whitish to white, powder

Ginagamit sa– makeup at iba pang personal care products

Benepisyo– anti caking, opacifier, abrasive, filler o bulking agent, etc.

Protective measure– gumamit ng face mask para hindi malanghap ang pulbos.

Storage– iwasang mapasukan ng moisture o mabasa.

Mga DIY na Make up at Personal care products na ginamitan ko ng Calcium Carbonate

  1. Eyebrow cream– gumamit ako ng calcium carbonate sa paggawa ng eyebrow cream bilang anti caking agent at pang absorb ng oil.
  2. DIY activated charcoal toothpaste– gumamit rin ako ng calcium carbonate sa paggawa ng DIY toothpaste na may activated charcoal.
  3. Tooth powder– maaari ring gumawa ng tooth powder gamit ang calcium carbonate. Haluan lamang ito ng activated charcoal. Ilagay sa isang glass container. Gamitin ito pag mag sisipilyo ng ngipin.

Paano gumawa ng calcium carbonate gamit ng EGGSHELL

Ang eggshell o balat ng itlog ay meron daw 95% na calcium carbonate. Gamit ang mga eggshells, maaari mo itong i convert para magamit na sangkap bilang calcium carbonate. Simpleng lang ang proseso sa paggawa nito.

1. Ipunin ang mga eggshells. Tuwing magluluto, hugasan muna ito bago basagin ang itlog. Ang shells ay ilagay sa isang net na supot at ibitin sa lugar na maganda ang sirkulasyon ng hangin. Gawin ito hanggang sa makaipon ka ng sapat sa paggawa pulbos. Tanggalin din yung membrane ng eggshell na parang papel.

2. Pag meron ka ng sapat na eggshells, hugasan ulit at pakuluan ito ng 5-10 minuto.

3. Patuyuin ito sa oven na may temperaturang 73-75 degrees celcius.

4. Pag ito ay medyo tustado na, hanguin.

5. Pulbusin ito gamit ang mortar and pestle o coffee grinder. Mas maganda rin kung coffee grinder ang gamitin dahil mas mapapabilis at mas maganda ang texture ng pulbos na lalabas.

Mortar and pestle ang isang bagay na kailangan sa pagpupulbos o pandikdik.
Coffee grinder na gamit sa pag pulbos ng mga halamang gamot o spices & herbs at iba pang mga sangkap sa paggawa ng DIY cosmetic products.

Maaari na itong gamitin sa paggawa ng mga DIY makeup at personal care products sa bahay!

Ang tagal ng pag pulbos sa mga eggshells ay depende sa gusto mong texture. Subukan mong ipahid ang pulbos sa iyong balat. Gawin mo itong basehan sa texture na gusto mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *