April 22, 2024
Caffeine

Gamit at benepisyo ng Kape sa balat at buhok

Sharing is Caring

Kape sa kutis? Pwede ba yun? Pwede! Sa katunayan, marami ng mga cosmetic companies ang gumagamit ng kape sa formulations ng kanilang mga skin care products. Maraming gamit at benepisyo ang kape sa balat. Maaari mo itong ipahid sa iyong kutis para mapakinis o tanggalin ang inflammation. Maaari mo rin itong gamitin na pangkulay ng iyong buhok kung gusto mong maging natural.

Ano ang Caffeine sa Kape

Marami sa atin na pag nagising sa umaga, kape ang iinumin na pampagising at pampasigla. Sa mga coffee drinkers, pag hindi nakainom nito, matamlay at hindi makagalaw, at masakit ang ulo. Ang ibig sabihin, meron ng dependency sa caffeine ang isang tao. Ang caffeine ay kino-consider na drug, at ito ay nasa kategorya ng central nervous system stimulants. Kaya kung nasobrahan sa pag inom ng kape, nagkakaroon ng pagkabog o palpitation, tumataas ang blood pressure, nanginginig ang kamay, hindi makatulog, ihi ng ihi at iba pa.

May benepisyo ang caffeine sa katawan kung sakto lang, kaya huwag sobrahan ang pag inom nito.

Benepisyo ng Kape sa Balat at Buhok

Ang kape ay nagpapaganda ng sirkulasyon ng katawan. Kung gagamitin ito topically, makakatulong ito sa mga problema sa balat kagaya ng;

  1. Mata- pangingitim ng mata at eye bags.
  2. Cellulite
  3. Tigyawat, Blackheads & Whiteheads
  4. Proteksyon sa balat- ang kape ay meron ring antioxidant na makakatulong sa pagbalanse sa free radicals na dulot ng polusyon at uv rays.

Kung sa buhok naman ito gagamitin, natural nitong bibigyan ng kulay ang iyong buhok.

Paano gamitin ang Kape sa Balat

Maraming paraan kung paano gamitin ang kape para sa iyong skin care. Maaari mong gamitin ang instant coffee o ground coffee.

Instant coffee

Tunawin ang isang kutsaritang kape sa mainit na tubig. Gumamit ng 1/2 teaspoon ng kape at 1 teaspoon na mainit na tubig. Paghaluing mabuti. I-apply ito sa baba ng mata para lunasan ang eye bags o pangingitim ng mata. Maaari ring itong gamiting spot treatment sa pimples, blackheads o white heads. Ibabad ng at least 30 minutes pagkatapos ay banlawan.

Ground coffee

Ang ground coffee ay maaaring gamiting pang scrub sa mukha, sa katawan para malunasan ang cellulite, tigyawat, blackheads, whiteheads, dead skin cells.

Kaya sa susunod na gumawa ng kape, huwag itatapon ang cofffee grounds dahil maaari pa itong gamiting pang scrub ng mukha at katawan.

Maaari ring mag infuse ng coffee grounds. Maaari mong gamiting sangkap ang coffee infused oil sa paggawa ng mga cream o moisturizer.

Maaari ring panoorin ang video nito.

Paano gamitin ang Kape sa Buhok

Kung gagamitin namang natural na pangkulay ang kape, ang gagamitin dito ay either ground coffee o instant coffee. Hindi lang nito natural na kukulayan ang buhok, nakakatulong din ito na patibayin ang ugat ng buhok at binabalance ang PH nito.

Magpakulo ng 1/2 cup ground coffee sa 1 cup ng tubig. Kung instant coffee naman, 1/2 cup coffee at 3/4 cup na tubig. Pakuluan ito ng mga 20-30 minutes sa ground coffee at 10-15 minutes sa instant coffee. Hanguin sa apoy at antaying maging warm ang temperature. I-apply ito sa buhok, pigain at lagyan ng shower cap. Ibabad ito ng hindi bababa ng 2 oras. Banlawan lang ng warm water, huwag ng mag shampoo.

Ang Caffeine na ginagamit sa skin care at hair care

Kung gusto nyo ng caffeine talaga, merong caffeine powder na maaaring gamitin sa paggawa ng cosmetics. Maraming mga binebentang eye cream, body lotion o cream na may caffeine. Ito ang main o active ingredient ng produkto. Ang caffeine powder ay maaari ng mabili para sa paggawa ng sarili mong produkto.

Ang isa sa skin care na kung saan ay gumagamit ako ng caffeine powder for cosmetic use ay ang under eye serum. Isang basic na serum na napakadaling gawin. Kasama nito ang hydrolyzed collagen at iba pang mga simpleng sangkap.

Homemade o DIY eye serum na may ingredient o sangkap na Collagen
Panoorin ang VIDEO

Caffeine

INCI– Caffeine

Usage rate– 05.-5%, 0.1-3%, 0.5-2%. Depende sa manufacturer

Solubility– water soluble, ihalo sa heated water ingredients

Color & Texture– white & powdery

Ginagamit sa– cream, serum, lotion. shampoo, conditioner

Benepisyo– brightening, firming, anti cellulite, stimulant

Protective measure sa paggamit– sundin ang gabay sa paggamit ayon sa manufacturer o producer ng produkto

Storage– ilagay sa tightly sealed container para hindi mapasukan ng moisture.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *