April 22, 2024
Four thieves oil blend ng mga essential oils

Paano gumawa ng Four Thieves Oil blend

Sharing is Caring

Ang four thieves oil blend ay halo ng iba’t ibang uri ng essential oils. Pinangalanan itong four thieves dahil base ito sa alamat o kwento ng apat na magnanakaw noong Medieval Period sa bansang Pransiya sa Europa. Kombinasyon ng mga essential oils para patibayin ang immune system, respiratory system at paglaban sa iba’t ibang uri ng mikrobyo.

Bakit tinawag na Four thieves Oil?

Ang Alamat ng Four Thieves

Ang alamat ng ¨four thieves¨ o apat na magnanakaw ay kwento ng mga mangangalakal ng spices & herbs sa bansang France. Ito raw ay nangyari noon medieval period at noong panahon na tinamaan ang bansang France at ang kontinenteng Europa ng nakakamatay na Black death o Bubonic plague.

Dahil sa pandemyang nangyari, ang apat na mangangalakal ay nawalan ng hanapbuhay. Maraming taong tumagal ang pandemya, kailangan nilang mag survive sa panahong iyon.

At nakapag survive nga!

Ang apat na mga business men ay pinasok ang ibang uri ng negosyo. At yan ay ang nakawan ang mga patay at namamatay sa sakit na bubonic plague. Kung ang karamihan ng tao ay takot na hawakan ang patay at may sakit nito, sila ay walang takot.

Sa kalaunan sila ay nahuli at dinala sa paglilitis ang krimen na kanilang ginawa. Sila ay binigyan ng 2 pagpipilian. Una, ang sabihin kung ano ang sekreto nila. Bakit hindi sila nahahawa sa kabila ng paghawak nila sa mga taong may impeksyon? Pag sinabi nila ang rason o sekreto, sila ay mabibigyan ng mas mababang sentensya. Ang ikalawang pagpipilian ay, kung hindi nila sasabihin, sila ay mamamatay bilang parusa sa kanilang krimen.

Pinili nila ang una.., ang sabihin ang kanilang sikreto.

Kaya raw sila immune o hindi nahahawa sa mga sakit noong panahon ng black death, ay dahil sa mga iniinom nilang sukang may mga spices & herbs at mga pinapahid na essential oils o langis sa katawan.

Sa sikretong ibinunyag, ipinamahagi ito sa mga mamamayan para proteksyunan din nila ang kanila kalusugan.

Yan ang kwento sa paggawa ng Four thieves oil blend.

Ano ang Four Thieves Oil

Ang four thieves oil ay ang combinations ng 5 na essential oils; clove, lemon, eucalyptus, cinnamon at rosemary.

Four thieves oil blend ng mga essential oils

PARAAN NG PAGGAWA NG FOUR THIEVES OIL

Sa isang de color na bote, ilagay ang 8 drops ng cloves essential oil, 7 drops ng lemon essential oil, 3 drops ng eucalyptus essential oil, 4 drops ng cinnamon essential oil at 2 drops ng rosemary essential oil.

Clove essential oil sa brown bottle.
Lemon essential oil
Eucalyptus essential oil
Rosemary essential oil

Doblehin lamang ang recipe kung gusto ng mas maraming langis.

Takpan at aluging mabuti.

Paano gamitin ang four thieves oil blend

Maaari mong gamitin ang four thieves oil sa 2 paraan.

1.Diffuser– maaaring gumamit ng diffuser ng essential oil. Kung walang essential oil diffuser, gawin ang ibang paraan ng pagdi-diffuse nito.

Ultrasonic essential oil diffuser

2. Topical– maaari rin itong gamitin topically. Ipahid ito sa talampakan, dibdib, likod, batok, o gamiting pangmasahe.

Bago gamitin, i-dilute muna ito sa carrier oil. Pumili ng carrier oil na gagamitin. Sa 30 ml ng carrier oil, 10-15 drops ng four thieves oil blend.

Kung wala kang mga essential oils, pero meron kang mga spices nito, maaari kang gumawa ng mga infused oil gamit ang langis na gusto, o herbal extracts gamit ang apple cider vinegar.

Paano gumawa ng Four Thieves vinegar

Mga Sangkap

  1. Clove buds 5 piraso
  2. Lemon 1 medium size
  3. Tuyong dahon ng eucalyptus 10 grams
  4. Cinnamon stick 5 grams
  5. Rosemary 5 grams

Paraan ng Paggawa

1.Hiwain ng maninipis ang lemon, tanggalin ang buto.

Mga gamit at benepisyo ng lemon

2. Gawing coarse ang cinnamon sticks, clove buds, rosemary at eucalyptus.

Gamit at benepisyo ng cinnamon sticks
Gamit at benepisyo ng spice na clove buds.
Gamit at benepisyo ng Eucalyptus.

Gamit at benepisyo ng Rosemary

3. Sa malinis na garapon, ilagay ang lahat ng mga sangkap. Lagyan ng apple cider vinegar. Itabi at hayaang ma extract ng hindi bababa ng dalawang linggo.

Mga iba' ibang gamit at benepisyo ng apple cider vinegar

4. Pagkaraan ng 2 linggo, salain ito. Ilagay ang nasalang likido sa malinis na garapon.

Maaaring uminom ng 1-2 kutsarita nito araw araw bilang suplemento.

Maraming ibang paraan ng paggawa ng four thieves vinegar at iba iba rin ang mga sangkap nito. Mag try ng ibang spices & herbs na sa tingin mo ay makakabuti sayo.

Kung ayaw naman sa purong suka, maaaring gumamit ng honey. Maganda ang honey sa paggawa ng mga extract. Pag honey ang gamit sa paggawa ng extracts, madali itong mapainom sa mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *