April 22, 2024
Lactic acid na ginagamit sa buhok o balat. Ginagamit sa paggawa ng skin care products sa bahay.

Benepisyo ng Lactic Acid sa balat

Sharing is Caring

Ang lactic acid ay isa sa mga uri ng AHA o Alpha Hydroxy Acid na ginagamit sa pagpapaputi ng balat. Ito ay mula sa fermentation ng gatas, sugar canes at iba pang prutas. Sa ginagamit sa paggawa ng cosmetics, maaaring gumagamit ang mga kumpanya ng natural o synthetic na lactic acid. Ang lactic acid ay isa sa mga affordable na AHA na maaaring bilihin ng mga DIY’ers para sa paggawa ng skin care products sa bahay. Isa ito sa mga sangkap na napakadaling gamitin.

Mga benepisyo ng Lactic Acid sa balat

Kagaya ng glycolic acid, ang citric acid at iba pang AHA/Alpha hydroxy acid, ang benepisyo ng lactic ay ang mga sumusunod;

  1. Whitening– pampaputi ang pangunahing benepisyo ng lactic acid sa balat. May abilidad itong balatan ang balat para magkaroon ng panibagong kutis.
  2. Moisturizing– depende sa dami ng paggamit ng lactic acid, kung gagamit lang ng below 5% ng produkto, ito ay may moisturizing effect.
  3. Anti-aging– ito raw ay nakakatulong sa produksyon ng collagen sa ating balat. Dahil diyan, nakakatulong ito na bawasan o i-delay ang formation ng wrinkles sa mukha.
  4. Exfoliate– ang lactic acid ay ginagamit bilang chemical exfoliant para mapadali ang pagtanggal ng old and dead skin cells. Sa paraang din yan, na i stimulate ang collagen production.
  5. PH Regulator– ito rin ay maaaring gamiting substitute sa citric acid sa pagreregulate o pag-a-adjust ng PH o potential of hydrogen ng mga ginagawang produkto gamit sa kutis o buhok o mga makeup.

Mga DIY skin & hair care products na maaaring gawin gamit ang LACTIC ACID

  1. Toner
  2. Serum
  3. Moisturizer, cream o lotion
  4. Cleanser

Ang lactic acid ay maaari mong gamitin as main ingredient sa formulation mo ng mga DIY Products o main ingredients sa gagawing produkto.

Paano gumawa ng lactic acid toner sa bahay

Ang lactic acid toner ay napakadali lang gawin. Dahil ito ay in liquid form, hindi kailangang gumamit ng init o apoy. Paghahalo haluin lang ang mga sangkap na gagamitin, meron ka ng lactic acid toner na pampaputi, anti-aging at moisturizing na toner.

Para sa pinaka simpleng lactic acid toner na maaaring gawin sa bahay:

Mga sangkap sa paggawa ng BASIC Lactic acid toner

  1. Water- 93.8g
  2. Vegetable glycerin- 3g
  3. Lactic acid- 3g
  4. Preservative- 0.2g
  5. PH- Naoh

Paraan ng paggawa ng BASIC lactic acid toner

  1. Paghaluin ang tubig, vegetable glycerin at lactic acid. Haluin mabuti.
  2. Kunin ang PH o potential of hydrogen ng mixture.
  3. I adjust ang PH. Since ito ay acidic ang gagamiting pang adjust ng PH ng ginagawang produkto ay ang sodium hydroxide. Ang ph goal dito ay 3-4.
  4. Ilagay ang preservative. Haluing mabuti at ilagay sa lalagyang bote.
Pampaputi na toner na gawa sa lactic acid na maaaring gawin sa bahay gamit ang mga simpleng ingredients.
Panoorin ang VIDEO

Parating alugin bago gamitin. Gamitin ito dalawang beses sa isang araw sa bagong hilamos na mukha.

Kung gagamit ng lactic acid o anumang AHA sa kutis, huwag kalimutang gumamit ng sunblock o sunscreen bilang proteksyon ng balat.

Bukod sa mga sangkap o ingredients na ginamit sa taas, marami pa kayong maaaring gamiting sangkap. Try ninyo mag experiment ng mga sangkap na maaaring gamitin. Maaaring gumamit ng mga tsaa, extract ng mga spices and herbs. Maaari nyo ring lagyan ng fragrance gamit ang essential oil o fragrance oil. Gumawa ng produkto na makakatulong sa inyong balat. Sa PH o potential of hydrogen naman, iadjust ito sa ph na sa tingin nyo ay hiyang sa inyong balat.

Paano gumawa ng Lactic acid SERUM

Ang lactic acid ay maaari ring gawing serum sa mukha. Maaaring gumamit ng Hyaluronic acid para makagawa ng gelly like consistency o gumamit ng ibang gelling ingredient.

GABAY SA PAGGAMIT NG LACTIC ACID

INCI– Lactic acid

USAGE RATE– 0.5-5%, 5-10%, 10% and above. Parating basahin ang usage rate na ayon sa manufacturer.

SOLUBILITY– water soluble

COLOR & TEXTURE– colorless, yellowish

USES– serum, toner, cream, lotion, PH regulator

BENEPISYO– whitening, anti aging, moisturizing

PROTECTIVE MEASURES

STORAGE– tighly sealed container

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *