April 22, 2024
Glycolic acid powder na ginagamit sa pagpapaputi ng kutis

Ano ang Glycolic acid

Sharing is Caring

Ang glycolic acid ay isa sa mga AHA/Alpha hydroxy acids na ginagamit lalong lalo na sa pagpapaputi ng balat. Ito ay sinasabing galing sa sugar cane o Tubo kung ito ay natural na gawa. Sa mga produktong chemical peels, ang glycolic acid ang nangunguna dito. Maraming benepisyong hatid ang glycolic acid sa balat at hindi lang para paputiin ito. Madali ka na ring makakita ng produktong ito online at maaari mo itong mabili at magamit sa formulation mo ng skin care products.

Ano ang mga Benepisyo ng Glycolic Acid sa Balat

  1. Skin regeneration– ang glycolic acid ay nakakatulong sa skin regeneration. Magkakaroon ng panibagong skin cells.
  2. Firmness– may kakayahan raw na i-stimulate ng glycolic acid ang fibroblast para sa produksyon ng collagen.
  3. Oil production– kino-control din nito ang produksyon ng langis o sebum ng balat. Pero kung super oily at prone kayo sa acne o tigyawat, mas magandang gumamit ng BHA o salicylic acid.
  4. Pores– maganda itong gamitin sa balat na kung saan ang pores ay nakabukas.
  5. Wrinkles, blemish, age spot– epektibo ito bilang exfoliant at nakakatulong sa problema ng kutis gaya ng wrinkles, blemish, age spots.
  6. Whitening– dahil sa malakas itong exfoliant, nakakatulong din itong paputiin at gawing even toned ang balat o kutis.

Paano gamitin ang GLYCOLIC ACID sa paggawa ng skin care products sa bahay

Ang glycolic acid ay hindi masyadong hassle kung gagamitin ito bilang sangkap sa paggawa ng skin care products sa bahay. At hindi rin ito isang sensitibong ingredient kaya pwede kahit cold o hot ang pagproseso sa paggamit dito.

Gamit ang glycolic acid, maaari kang gumawa ng mga produktong;

  1. Toner
  2. Serum
  3. Face moisturizer
  4. Lotion
  5. Face wash
  6. Body wash

Paano gumawa ng TONER gamit ang Glycolic Acid

Para sa glycolic acid toner gumamit lang ako ng 2% sa recipe nito.

Mga sangkap para sa 50g glycolic acid toner

  1. Water- 37.45g
  2. Aloe vera leaf juice extract– 10g
  3. Glycolic acid powder- 1g
  4. Vegetable glycerin- 1.5
  5. Preservative- 0.05

Paraan ng paggawa ng glycolic acid toner

  1. Sa isang lalagyan, ilagay ang tubig at glycolic acid powder. Haluing mabuti hanggang matunaw ang pulbos.
  2. Lagyan ng vegetable glycerine at reconstituted aloe vera leaf juice extract. Haluin.
  3. I-check ang ph at i-adjust ito sa PH 2.0 – PH 3-85. Huwag bababa sa PH 2.0.
  4. Lagyan ng preservative. Haluing mabuti.
  5. Ilagay ang DIY o homemade glycolic acid toner sa isang bote.

Paano gamitin ang Glycolic acid toner na gawa sa bahay

Gamit ang cotton pads o bulak, ipahid ito sa bagong hilamos na mukha in upward motion. Gamitin ito 2 beses sa isang araw. Huwag ding kalimutang maglagay ng sunblock sa mukha bilang proteksyon sa sinag ng araw.

Bago maglagay ng serum o moisturizer, pabayaan mo munang matuyo ang in-apply na glycolic acid toner.

Parating alugin bago gamitin.

Paano gumawa ng body lotion na may Glycolic acid

Maaari mo ring gamitin ang glycolic acid bilang sangkap sa lotion. Ang ginawa kong glycolic acid lotion ay nasa 5% concentration lamang.

Mga sangkap sa paggawa ng glycolic acid lotion ( 100g)

  1. Water- 59g
  2. Vegetable glycerine- 3g
  3. Xanthan gum– 0.3g
  4. Glycolic acid powder- 5g
  5. Camelina oil- 25g
  6. Glyceryl stearate se- 4g
  7. Cetyl palmitate- 1.5g
  8. Cetyl alcohol- 1g
  9. Vitamin e- 0.5g
  10. Geranium essential oil, optional. Gumamit ng gustong essential oil o fragrance oil- 0.5g
  11. Preservative- 0.2
  12. PH adjuster- q.s

Paraan ng paggawa ng 5% Glycolic acid body lotion

  1. Paghaluin ang mga emulsifying wax na glyceryl stearate se, cetyl palmitate, cetyl alcohol at camelina oil. Ilagay ito sa hot water bath o direct heat.
  2. Paghaluin ang tubig at glycolic acid powder. Haluin hanggang sa matunaw ang powder.
  3. Paghaluin ang xanthan gum at vegetable glycerine. Haluing mabuti hanggang sa maging gel ang form. Dahan dahang ihalo ito sa pinaghalong tubig at glycolic acid powder. Ilagay sa hot water bath.
  4. Antaying matunaw ang mga wax at umabot ito ng 75c. Tanggaling sa init.
  5. Paghaluin ang 2.
  6. I blend gamit ang immersion blender.
  7. Rest at antaying bumaba ang temperatura sa 40c and below.
  8. Ilagay ang vitamin e, essential oil o ang fragrance oil at preservative.
  9. Muling i blend.
  10. I-adjust ang PH. Ang ph goal dito ay ganon din sa glycolic acid toner.
Paano gumawa ng pampaputi na lotion gamit ang glycolic acid sa bahay.
Panoorin ang YOUTUBE Video

Mga katangian at gabay sa Paggamit ng Glycolic Acid

INCI– Glycolic acid

Usage rate– see below. Basahin ang label ng manufacturer.

Solubility– water soluble

Color and texture– puti at medyo magaspang

Benepisyo– skin whitening, brightening, softening, anti aging

Protective measures sa paggamit– hindi kinakain.

Storage– tighly sealed container at ilayo sa sinag o sikat ng araw.

Ano ang usage rate ng Glycolic acid

Ang usage rate ng glycolic acid ay depende sa goal mo.

  1. 1-10%- kung sa percentage na yan, ito ay para sa mga problema sa balat kagaya ng age spots at iba pang discolorations, wrinkles, pimples at ito ay may whitening effect din. Ito ang safest at recommended na usage rate.
  2. 15-25%- kung sa ganyang porsyento naman ay may mild na peeling effect. Hindi ko isa suggest na mag DIY kahit sa percentage na ito.
  3. 30-70%- ito na ang concentration na ipaubaya nyo na sa mga eksperto kagaya ng dermatologist. Kung produktong lotion o cream na ganyan kataas ang concentration ng glycolic acid, siguraduhing approved ito ng FDA.

IDEAL PH NG GLYCOLIC ACID

Ang glycolic acid at ang iba pang AHA para maging epektibo o functional sa role as whitening, kinakailangan raw na nasa below PH 3.85 pero hindi less tha PH 2.

Friendly reminder sa paggamit ng mga Whitening products

Marami sa ating mga Filipino na gusto mabilisan at madalian. Kaya ang mga produktong pampaputi ay madaling maging popular at bentang benta sa masa. Walang konsiderasyon sa mga risks basta pumuti agad at mura.

Yung mga produktong pinapakita na parang ahas na nagbabalat ang kutis ay hindi man lang dumaan sa FDA. At malamang kung titignan mo ang label ng ingredients, hindi nilalagay lahat ang ginamit sa paggawa ng produkto. Although maraming kontrobersiya ang FDA, importante parin ito sa ating mga consumers. Sa FDA magkakaroon ng validation na safe ang ating ginagamit sa ating katawan. Makikita dito kung anong mga ingredients na ginamit. Alalahanin na may mga ingredients sa mga skin whitening products na nakakasira sa kalusugan at isa nga dito ay ang mercury.

Be more cautious mga kapatid. Hindi porket epektibo ay safe. Hindi man magmanifest ang mga side effects in a few days, o months or even years but it will.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *