April 22, 2024
Iba' ibang shades ng eyebrow cream na gawa sa bahay at DIY

Paano gumawa ng EYEBROW CREAM

Sharing is Caring

Sa paggawa ng pinaka simpleng pangkulay sa kilay na cream based, kailangan mo ng combination ng mga iron oxides. Ang kulay ay dedepende sa gusto mong kulay para sa iyong kilay. Maaaring dark, lighter, light brown o dark brown, grayish. Ideally, ang sabi ng mga makeup experts, ang kulay na gagamitin sa kilay ay depende sa kulay ng buhok, eye color at skin tone. Pero kung ano pa man ang gusto mong kulay para sa kilay mo, magagawa mo ito sa bahay.

Sa paggawa ng eyebrow cream o brow cream, kailangan mo ng mga minerals dito. Sa ginawa kong DIY brow cream, meron akong 3 kulay na ginamitan ko ng 2 klase ng iron oxide. Black iron oxide at brown iron oxide.

Bago mag combine ng mga pigments, gumawa muna ng base ng gagawing eyebrow cream.

Paano gumawa ng BASE ng eyebrow cream

Para sa mga sangkap ng paggawa ng brow cream para sa 20g base

  1. Cetyl alcohol- 2.4g
  2. Beeswax- 0.6g
  3. Jojoba oil- 13.6g
  4. Magnesium stearate– 1.2g
  5. Vegetable glycerin- 2g
  6. Vitamin e- 0.2 g

Paraan ng paggawa ng BASE ng eyebrow cream

A. Pagsama samahin ang cetyl alcohol, beeswax, jojoba oil, magnesium stearate, vegetable glycerin sa isang heat resistant na mangkok.

B. Tunawin ito at haluin mabuti.

C. Pag tunaw na ay tanggalin sa apoy o init. Haluin at lagyan ng vitamin e pag ang temperatura ay nasa 40c & below.

Gawa na ang base ng eyebrow cream at maaari na itong lagyan ng kulay.

Gumawa ako ng tatlong kulay dito gamit ang black iron oxide at brown iron oxide.

Paano gumawa ng iba’t ibang shades ng eyebrow cream

Sa paggawa ng shades ng eyebrow cream, mag combine lamang ng pigments na gagamitin. Ang ginamit ko dito ay ang Iron oxides na black at brown.

  1. Black iron oxide 1g + brown iron oxide 0.5g
  2. Black iron oxide 0.5g + brown iron oxide 1g
  3. Black iron oxide 0.3g + brown iron oxide 1g

Pinino ko muna ito gamit ang mortar and pestle. Tapos, kinuha ko ang sukat ng bawat isa para sa gagawing 3 klase ng eyebrow cream.

MGA SANGKAP AT SUKAT

1. Base- 1g

2. Color- 0.2g

3. Calcium carbonate– 0.25g

Pagsama samahin ang 3 sangkap at ipainit ito habang hinahalong mabuti. Siguraduhin wala ng buo buo sa sa iron oxides bago tanggalin sa apoy. Pag OK na ang lahat, tanggalin ito sa apoy. Haluing ulit mabuti. Pag bumaba na ang temperatura, ilagay na sa gagamiting container.

Sa video na aking ginawa, mukha nagshishimmer ang eyebrow cream. Huwag mag-alala kasi hindi makinang yan, sa reflection ng ilaw lang yun. Long lasting din ito sa balat pero hindi water proof. Sa video din ay pinakita ko na binubuhusan ko ng tubig. Hindi siya water proof pero hindi nagbli-bleed pag nabasa ng tubig. 😀

Calcium carbonate sa paggawa ng EYEBROW CREAM

Nilagyan ko rin ng calcium carbonate ang ginawa kong eyebrow cream dahil sa absorbent power nito at para mabalance konti ang pigment.

Ang eyebrow cream na ito ay concentrated ang pigment. Kaya konti lang ang kakailanganin para kulayan ang kilay. Kaya ang less than 2 grams na cream ay aabot ng maraming buwan. Pero maaari nyo ring bawasan ang pigment na ginamit. Instead of 0.2g, maaaring ninyong gawing 0.1g.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *