April 22, 2024
Gamit at benepisyo ng Peppermint essential oil

Mga benepisyo ng Peppermint Essential Oil

Sharing is Caring

Kagaya ng spearmint essential oil, ang peppermint essential ay refreshing din. Pareho silang may natural na menthol, pero mas malakas ang menthol concentration ng peppermint. Ang peppermint ay hybrid ng dalawang halaman; spearmint at watermint. Ito ay karaniwang gamit bilang pampalasa ng mga pagkain, candy, toothpaste, mouthwash at sa mga medisina. Sabi nila, between mint/spearmint at peppermint, ang peppermint ang mas ginagamit sa mga produktong nabanggit.

Kagaya sa spearmint essential oil, ang dahon ng peppermint ang parte ng halaman ang ginagamit sa pagkuha ng essential oil sa pamamagitan ng steam distillation.

Benepisyo ng Peppermint Essential Oil

Ang peppermint essential oil ay may anti bacterial at anti fungal properties. Ito ay analgesic din o maaaring gamitin sa mga sakit na nararamdaman sa katawan. Dahil sa mataas na menthol content nito, makakatulong ito na i-decongest ang paghinga, makakatulong sa pagpapalabas ng plema. Ginagamit din ito kung may ubo o sipon.

AROMATHERAPY– kung gagamitin ito sa aromatherapy, ang peppermint essential oil ay magbibigay ng mental focus sa isang tao. Ito ay may calming benefit din na magandang gamitin sa mga taong balisa.

Essential oil diffuser para magbenepisyo ang katawan, isipan

Kung may ubo o sipon makakatulong na mag diffuse ng essential oil nito. Ito ay maaari ring ipahid sa dibdib at likod para maginhawaan ang katawan.

MASAHE– gamitin itong pang masahe para lunasan ang sakit sa katawan, sakit sa ulo o pagod sa katawan dahil ito ay natural na analgesic.

Sa pagmamasahe ng langis nito, makakatulong din ito sa constipation at hindi natunawan.

Benepisyo ng pagmamasahe gamit ang essential oil

Kung gagamitin ito sa balat o topical use, huwag kalimutang i dilute ito sa carrier oil.

Bath & Foot Soak– kung merong bath tub, maganda itong ilagay sa bath water para makapag relax. Maaari rin itong gamiting foot soak kasama ng epsom salt o magnesium flakes.

Skin care– meron ding claim na ang peppermint essential oil ay maaaring gamitin sa balat kung may psoriasis o eczema.

Kung fungal infection ang problema sa balat, maganda ring gamitin ito dahil ito ay may anti fungal properties. Gamitin sa foot soak, o ipahid sa paa o parte ng katawan ang peppermint essential oil na diluted ng carrier oil.

Palanggana o basin na may maligamgam na tubig para sa foot soak.

Para sa tigyawat, maaaring gawing spot treatment. I dilute ito sa vegetable oil o carrier oil at i-apply sa parte na may tigyawat.

Mga tigyawat o pimples sa mukha.

Gumamit rin nito sa pag steam ng mukha para malinisan ng mabuti ang balat at matanggal ang mga bacteria o mga dumi na nakabara sa pores.

Household use– maaaring gumawa ng mga spray, air freshener para mapakinabangan ang antimicrobial properties nito.

DIY o homemade na air freshener

Paggamit ng Peppermint Essential Oil sa DIY Cosmetics

Ang peppermint essential oil ay maaaring gamitin sa mga diy cosmetic products. Maaaring gamitin itong isa sa mga sangkap para lagyan ng bango ang ginagawang cream, body wash, body scrubs, lip balm, homemade tooth paste at iba pang mga produktong gusto mong gawin.

Mga homemade o DIY na lip balm sa iba't ibang tube at ibat ibang kulay.

DIY body scrub na gawa sa asin na epsom
WATCH THE VIDEO

At kung sa paggawa ng perfume, ito ay maaari ring gamitin sa blending ng essential oils.

Mga DIY o homemade perfume gamit ang essential oils at spices & herbs.

Substitute ng Peppermint Essential oil

Kung walang peppermint essential oil na mabili o makita, maaaring gumamit ng spearmint essential oil bilang substitute. Kung meron ka naman ng halaman nito, maaaring gumawa ng peppermint infused oil. Pumili ng gustong langis na nais gamitin sa oil infusion. Makakagawa ka rin ng herbal extract gamit ang halamang ito.

Mapapanood ang paggawa ng extract dito.

Paggawa ng extract gamit ang tuyong halaman ng peppermint.

Magagamit mo ito sa balat o buhok o gamitin sa formulation ng mga DIY Cosmetics.

Gabay sa Paggamit ng Peppermint Essential Oil

INCI– Mentha piperita

Usage rate– depende sa paggamit

Solubility– insoluble in water

Note/Accord– top note sa paggawa ng pabango

Color & Texture– clear, pale yellow

Ginagamit sa– aromatherapy, meditation, hair & skin care

Benepisyo– analgesic, antibacterial, antifungal, decongestant

Spiritual & Magical use– mental focus, acceptance, uplifting

Protective measures/Contraindicationspatch test, i-dilute sa carrier oil for topical use. Buntis

Storage– ilayo sa sinag ng araw at ilaw

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *