April 22, 2024
Dilution guide ng essential oil at carrier. Paano ito gamitin sa balat.

Bakit importanteng i-dilute ang Essential Oil

Sharing is Caring

Importante na i-dilute ang essential oil bago gamitin lalong lalo na sa balat. Ang dilution ( paghahalo at pagpapalabnaw) ay isa sa mga gabay na dapat gawin at malaman bago gumamit nito. Depende sa paraan ng paggamit, ito ay hahaluan ng LANGIS o TUBIG.

Dilution: Langis at Tubig

LANGIS– kung gagamitin ang essential oil sa ano mang parte ng katawan, ito ay kailangan na haluan ng carrier oil.

TUBIG– kung ito naman ay gagamitan ng diffuser, ito ay hahaluan ng tubig. Pero ito ay nakadepende sa paraan ng pag di-diffuse o klase ng DIFFUSER.

At meron namang iba’t ibang paraan ng DIY Diffuser na hindi na kailangan pang haluan ng tubig o carrier oil.

Bakit importante na i-dilute o haluan ng langis ang essential oil

  1. Ang essential oil ay may mga malakas at matapang na compounds na maaaring makasunog, o makasira sa inyong balat. O kaya ay maaaring magkaroon ng reaksyon sa inyong balat kung ito ay gagamitin ng puro. Kaya para maiwasan ang mga bagay na ito, kailangan na HALUAN para MAPALABNAW ang compounds o properties na taglay nito. At ito nga ang papel ng carrier oils.
  2. Ang essential oil ay VOLATILE, ibig sabihin ito ay madaliang mag evaporate. Hindi kagaya ng mga carrier oils o fixed oils na hindi sumisingaw at natutuyo agad agad.

Ang papel ng carrier oil sa essential oil ay para ”Dalhin/CARRY” ito sa balat. Ibig sabihin, ito ay makakatulong sa ”spreadability” o ”absorption” nito sa ating kutis at hindi mag-e-evaporate ang essential oil.

3. Ang dilution ng essential oil ay naka base sa edad at sitwasyon ng isang taong gagamit nito. Mas mababang concentration ng essential oil sa mga bata, matanda, buntis o nagpapasuso. Sa ganitong sitwasyon ng gagamit, mababang concentration ng essential oil lamang at piling pili rin ang mga uri ng langis na maaari nilang gamitin.

Halimbawa ng massage oil

Madali lamang gumawa o magdilute ng langis na gagamitin sa pagmamasahe. Para sa mag-uumpisa ng paggamit ng massage oil, mag-umpisa sa pinaka malabnaw na dilution at ito nga ang 1=1 ratio. Pero kung gagawa ng patch test, maaaring gumamit ng 2 patak ng essential oil sa isang kutsaritang carrier oil. Halimbawa, para sa 30ml na massage oil:

30ml=6 teaspoon ng carrier oil na gusto

6 na patak ng essential oil na gagamitin.

Sa katagalan,maaari ng gawing 2 patak sa kada 1 kutsaritang carrier oil.

Ang mga benepisyo ng carrier oil o fixed oill sa kalusugan

4. Aromatherapy diffuser– pag ang aromatherapy diffuser naman ang gagamitin, sa halip na langis (carrier oil) ang gagamitin, ang ginagamit dito ay tubig.

Maraming iba’t ibang paraan na maaaring gamitin bilang diffuser, pero sa mga ultrasonic diffuser, nebulizer, at iba pang diffuser na kailangan ng tubig, kadalasan sa bawat 100ml ng tubig ay 8-10 patak ng essential oils. Ang mga klase ng diffuser na ito ay hindi ginagamitan ng carrier oil. Pakatandaan na TUBIG lamang ang ginagagamit dito.

Sa candle burner naman, 1 patak sa 1 kutsara ng tubig.

Ang mga nabibiling essential oil diffuser ay kadalasang meron ng instructions kung ilang patak ng essential oil at ilang ml ng tubig ang gagamitin.

Ang paggamit ng essential oil sa ating kalusugan ay isang natural na paraan. Pero kinakailangan rin na alamin ang mga gabay sa paggamit nito. Pag-aralan ang mga bagay, mula sa kaalaman kung paano malalaman na fake ang essential oil, mga paraan ng paggamit ng essential oil, ang mga benepisyo ng essential oil at aromatherapy, benepisyo ng pagmamasahe gamit ang essential oil. Ang mga bagay na ito ay importante para masulit ang paggamit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *