April 22, 2024
Mga gabay sa paggamit ng essential oils. Ano ang pwede at hindi

Mga gabay sa paggamit ng Essential oil

Sharing is Caring

Bago ka bumili ng essential oil, kailangan na malaman mo muna ang mga gabay sa paggamit nito. Parang gamot din ito na kailangan ng precaution o pag-iingat sa paggamit. Gumawa ng sariling pagsaliksik at huwag dumepende sa sabi-sabi ng ibang tao. Dahil hindi ibig sabihin na kung epektibo sa iba, epektibo rin sayo.

Mga gabay sa paggamit ng Essential oil

Mga gabay sa paggamit ng essential oils. Ano ang pwede at hindi
  1. May mga ESSENTIAL OILS na hindi maaaring ibenta legally sa merkado. Ito ay para maiwasan ang ”DIY” na paggamit nito. Ang mga ibang essential oils ay kinakailangan ang patnubay ng certified aromatherapist kung gagamitin.

Ang mga bansa ay may patnubay sa paggamit ng essential oils. May mga essential oils na regulated at ang mga certified aromatherapist lamang ang maaaring makabili nito. Meron ding banned dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan. Merong mga essential oil na maaaring gamitin sa aromatherapy, pero kung ito ay aksidenteng nahalo sa pagkain o nainom ay maaaring maging sanhi ng cancer o iba pang mga sakit.

May mga essential oils naman na toxic talaga at kahit sa anong paraan ay hindi ligtas gamitin.

Mga essential oils na HINDI dapat Gamitin

Halimbawa: Mga essential oils na regulated, toxic o banned sa paggamit

Ajowan essential oil

Balsam of Peru essential oil

Bitter almond essential oil

Boldo essential oil

Calamus essential oil

Colophony essential oil

Costus root essential oil

Croton essential oil

Elecampane essential oil

Fig tree absolute essential oil

Horseradish essential oil

Jaborandi essential oil

Mugwort essential oil

Mustard essential oil

Oakmoss essential oil

Ocotea essential oil

Peru balsam essential oil

Santolina essential oil

Sassafras essential oil

Savin essential oil

Tarragon essential oil

Wintergreen essential oil

Wormseed essential oil

Wormwood essential oil

2. Essential oils during pregnancy– may mga essential oil na sinasabing safe naman gamitin kahit sa unang 3 buwan ng pagbubuntis. Ito ay risky sa iyong kalusugan lalong lalo na sa kalusugan ng iyong pinagbubuntis. Sa second trimester naman ay mas ligtas na raw sa paggamit ng mga langis na ito.

Paratiang magkonsulta sa iyong doctor kung gagamit ng essential oil lalong lalo na kung ito ay gagamitin bilang pangpahid o sa pagmamasahe.

3. Ang essential oil ay hindi ginagamit sa mga sanggol, mula sa kapanganakan hanggang 3 buwan.

4. Alamin ang mga essential oil at dilution guide nito kung gagamitin sa mga bata.

5. Itago o ilagay ang essential oil sa lugar na hindi maaabot ng mga bata at mga alagang hayop.

6. Bago gumamit ng essential oil, magsagawa ng patch test sa inyong balat. Ang patch test ay simpleng paraan para malaman kung may allergy ka nito o wala.

7. Ang essential oil ay hindi ginagamit ng direkta sa balat o kutis. Haluan muna ito ng carrier oil bago gamitin. Alamin ang gabay at kung bakit importante na i-dilute ang essential oil bago gamitin.

8. Photosensitivity and Phototoxicity– maging aware din sa paggamit (topical use) ng mga photosensitive na essential oils. Pag gagamit nito, siguraduhing hindi ka masisinagan ng sikat ng araw ng hindi bababa sa 12 oras. Siguraduhin rin na gumamit ng sunscreen para maproteksyonan ang inyong balat.

Halimbawa ng photosensitive essential oils:

Angelica essential oil

Citrus essential oil– bergamot, bitter orange, grapefruit, lemon, lime, mandarin, orange, at ibang pang citrus

Cumin

Dill

9. Ang essential oil ay hindi INIINOM unless ito ay ginawa for oral consumption.

10. Ang essential oil ay hindi nilalagay sa mata.

11. Ang essential oil ay hindi nilalagay sa loob ng tenga na hindi diluted.

12. Alamin kung papaano malalaman na fake ang essential oil.

13. Mayroong essential oils na maaaring gamitin sa mga alagang hayop kagaya ng aso at pusa. Kausapin o ikonsulta sa inyong beterenaryo ang paggamit ng langis na ito.

14. Kung gagamit ng diffuser kagaya ng humidifier at burner, siguraduhing well ventilated ang silid para sa magandang sirkulasyon ng hangin.

15. Gumamit lamang ng mga de color na babasaging bote. Huwag gumamit ng plastik o metal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *