April 22, 2024
Pamanhid sa almoranas gamit ang mga essential oils

Paano gumawa ng pamahid sa Almoranas

Sharing is Caring

Ang pag-atake ng almoranas o hemorrhoid sa ingles ay isang bagay na napaka uncomfortable sa isang tao kahit minor pa ang symptoms nito kagaya ng pangangati o yung slight na pressure o hapdi. Maaari kang gumawa ng balm gamit ang essential oils na maaaring ipahid sa almoranas. Napakasimple lang ang paraan ng paggawa nito, melt & mix lang, meron ka ng gagamiting pamahid.

Paraan ng paggawa ng pamahid ng Almoranas

Gamit ang tamang essential oils, makakagawa ka na ng BALM.

MGA SANGKAP

Extra virgin Coconut oil- 20 grams

Beeswax– 2 grams

Vitamin e- 1 gel capsule

Lavender essential oil- 4 drops

Eucalyptus essential oil- 4 drops

Tea tree essential oil- 4 drops

PARAAN NG PAGGAWA

1.Magpainit ng tubig na gagamitin sa water bath.

Hot water bath na gamit sa pagpapainit o pagtunaw sa paggawa ng DIY cosmetics.

2. Sa heat resistant na bowl, ilagay dito ang extra virgin coconut oil at beeswax. Ilagay ito sa hot water bath.

Mga benepisyo at gamit sa langis na extra virgin coconut oil
Mga benepisyo at gamit ng beeswax

Pag ito ay natunaw na, hanguin sa apoy.

3. Haluin itong mabuti at itabi. Antaying bumaba ang temperatura sa room temperature.

4. Ilagay ang mga essential oils, eucalyptus, lavender, at tea tree. Haluin ulit mabuti.

5. Ilagay narin ang vitamin e. Kung ang vitamin e ay wala sa gel capsule, maglagay ng mga 0.5 grams na vitamin e. Haluin muling mabuti.

6. Ilagay sa lalagyan at tuluyang palamigin bago takpan.

Meron ka ng pamahid sa ALMORANAS.

Gusto mo bang panoorin ang video sa paggawa nito?

Hemorrhoid balm o pamahid sa almoranas.

Paano gamitin ang pamahid o balm

Ipahid ito kung umaatake ang almoranas. Mas maganda rin kung gagamitin ito pagkatapos mag sitz bath gamit ang warm water. Maaari itong gawin tatlong beses sa isang araw. Ang balm o pamahid na ito ay makakatulong sa inflammation, sa sakit at pangangati na nararamdaman at mapapaimpis nito ang pamamaga.

Ang mga sangkap na ginamit sa paggawa ng pamahid

Ang mga sangkap na ginamit ay may mga anti inflammatory properties, anti bacterial properties, analgesic properties at soothing benefits. Nakakatulong din sa pagpapagaling ng sugat.

Extra virgin coconut oil

Ang extra virgin coconut oil ay natural na pain reliever. Meron itong anti inflammatory properties, antibacterial properties. Maganda rin itong moisturizer na makakatulong sa inflammation na nagyayari sa almoranas.

Eucalyptus essential oil

Ang eucalyptus essential oil naman ay para rin sa inflammation.

Lavender essential oil

Mga benepisyo ng lavender essential oil.

Ang isa sa benepisyo ng lavender essential oil ay ang ¨soothing at calming¨ benefits nito sa inflammation. Makakatulong ang benepisyong ito para maibsan ang pressure at hapdi na nararamdaman.

Tea tree essential oil

Ang tea tree essential oil naman ay may abilidad na mapaimpis ang pamamaga ng almoranas. Bukod sa antibacterial at anti inflammatory benefits nito.

Marami pang essential oils na maaaring gamitin bukod sa ginamit sa paggawa ng pamahid na ito. Basahin ang mga benepisyo ng mga essential oils at carrier oils para makagawa ng sariling recipe. Huwag tatanggalin ang vitamin e dahil ito ay magpapahaba ng shelf life ng pamahid. Ang shelf life ng nagawang balm ay maaaring isang taon o higit pa.

Bago gumamit ng essential oil lalo na kung sensitive ang balat, magsagawa ng patch test. Maaaring gawin din ang patch test sa paggamit ng carrier oils kung hindi ka sigurado na safe ang balat mo dito.

Maaaring magdagdag ng beeswax kung sa tingin mo ay hindi masyadong solid ang produkto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *