April 22, 2024
Diy soap na gawa sa baking soda

Paano gumawa ng DIY Baking Soda Soap

Sharing is Caring

Ang paggawa ng DIY Baking Soda Soap ay madali lamang gawin. Sa katunayan, tatlong sangkap lamang ang ating gagamitin. Pero bago tayo dumako kung paano gumawa ng diy baking soda soap, alamin muna natin kung ano ang gamit at benepisyo ng baking soda soap na ating gagawin.

Gamit at benepisyo ng Baking Soda Soap

  1. Gamit sa pagpapaputi ng kutis sa katawan at mukha.
  2. Ang baking soda ay maaaring gamitin na pangsabon sa problema sa alipunga at pati na rin sa may mabahong paa.
  3. Makakatulong sa problema sa anghit o body odor.
  4. Maaaring gamiting kitchen hand soap para pangtanggal ng malansang amoy sa mga kamay.
  5. Maaaring gamiting pangsabon sa mga kagat ng insekto.
  6. Kung gagamit ng baking soda sa mukha o katawan, ang diy baking soda soap ay mas convenient dahil ito ay agaran ng available sa paggamit. Hindi mo na kailangan pang paghaluin ang baking soda at sabon.

Sangkap at gamit sa paggawa ng Baking Soda Soap

Mga sangkap na gagamitin:

Bar soap- 30 grams

Baking Soda 1 kutsara

Extra virgin olive oil 1 kutsara

Tubig 5 kutsara

Mga gamit na kailangan

Soap molder

Double boiler (improvised)

Shredder/Kutsilyo/Gunting

Bar soap– gumamit ng sabon pangpaligo.

Extra virgin olive oil– para sa dagdag moisturization ng balat. Maaaring gumamit ng ibang fixed oil o carrier oil.

Tubig– tayo ay gagamit ng kaunting tubig para pangtunaw sa sabon.

Soap molder– maaaring mag improvise ng molder. Halimbawa, maliit na karton, plastic cup, o kahit na anong bagay na magpoporma sa sabon. Kung gagamit ng karton, patungan ito ng plastic sa ibabaw para hindi tumagas ang likido at hindi dumikit ang sabon dito. Kung gagamit naman ng mga plastic cups, pahiran ito ng langis, kagaya ng cooking oil.

Double boiler– magpakulo ng tubig sa kaserola. Dito ipapatong ang isa pang kaserola o bowl para tunawin ang sabon.

Shredder/Kutsilyo/Gunting– ito ay gagamitin sa pag-gutay gutay o pagpilas ng sabon o panghati sa sabon ng maliit. Ito ay para mas madaling matunaw.

Paraan ng paggawa ng DIY baking soda soap

  1. Gutay-gutayin (shred) ang sabong pangpaligo.

2. Magpakulo ng tubig sa kaserola o kaldero.

3. Lagyan ng tubig ang nagutay na sabon. Haluin ito.

4. Ipatong ang mangkok na may sabon sa kumukulong tubig.

5. Antaying medyo matunaw ito at ilagay ang 1 kutsarang extra virgin olive oil. Haluin.

6. Habang inaantay na matunaw ang sabon, ihalo ang natitirang tubig sa 1 kutsarang baking soda. Haluin ito ng mabuti.

7. Kapag ang sabon ay nasa creamy consistency na, hanguin ito sa kumukulong tubig. Ihalo ang baking soda na tinunaw sa tubig.

8. Haluin ng mabuti hanggang sa maging creamy at walang nakikitang lumps.

9. Kapag ito ay medyo lumamig na, ilipat ito sa molder na gagamitin.

Itabi ito at pabayaan ng hindi bababa sa bente kuatro oras (24). Pagkatapos ng 24 oras, maaari na itong gamitin.

Sabon na gawa sa baking soda

Ang baking soda na sabon ay hindi kagaya ng regular na sabon na sobrang bula. Ang ´´grainy texture´´ nito ay makakatulong sa pag-exfoliate ng balat. Pero kung gusto mo ng smooth consistency, magbawas ng baking soda o gilingin muna.

Mas mataas din ang potential of hydrogen nito kung ikukumpara sa regular na sabon. Para sa may sensitibong balat, mas mainam kung mag patch test muna bago gamitin ang baking soda sa katawan at mukha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *