April 22, 2024
baking soda o white vinegar epektibong paraan ng panlinis ng toothbrush o sipilyo

Baking soda at white vinegar pang-disinfect ng toothbrush

Sharing is Caring

Ang baking soda o white vinegar ay gamit pang-disinfect ng toothbrush. May kakayahan itong tanggalin ang mga dumi, bakterya at iba pang mikrobyo na nasa ating mga sipilyo o toothbrush. Isang kakayahan o benepisyo ng baking soda at benepisyo ng white vinegar na hindi kayang gawin sa paggamit ng tubig lamang.

Personal na kalinisan

Bukod sa tinuro sa atin ng ating mga magulang ang personal na kalinisan o personal hygiene sa ingles, pinag-aralan din natin ito sa eskwelahan. Mga bagay na itinuro ng ating mga guro sa pinakaunang araw sa ating buhay bilang isang estudyante. Kasama ang mga good manners and right conduct ang personal hygiene. At sa personal hygiene, isa nga sa itinuro ang pagsisipilyo ng ating mga ngipin 2 beses isang araw. Sa umaga at bago matulog sa gabi.

Ang tamang pagaalaga ng ngipin

Ang pagsisipilyo ng ngipin 2 beses (3 beses kung kinakilangan) sa isang araw ay importante sa ating kalusugan. Ito ay para maiwasan ang mga pagbuo at pagdami ng tartar, plague, bakterya na siyang dahilan ng mga tooth decay at gum disease.

Sira sirang ngipin sanhi ng tartar, plague, bakterya

Ang tamang pag-aalaga ng toothbrush

Ang ating sipilyo ay may mahalagang papel sa tamang pag-aalaga ng ngipin, gilagid at bibig. Sa tamang paggamit nito, matatanggal ang mga pamumuo ng dumi, bakterya na magiging sanhi ng mga problema sa ating bibig, gilagid at ngipin. At sa tamang pag-aalaga nito, masisiguro natin na kontrolado natin ang pamumuo ng mga bakterya.

  1. Ang ating sipilyo o toothbrush ay kinakailangan na palitan 1 beses kada 3-4 na buwan. Ito ay kahit hindi pa buhaghag ang bristles. Sa pamamaraang ito, nakakasiguro tayo na ang sakit ay hindi natin makukuha mula sa ating PERSONAL na gamit⇢ ang ating TOOTHBRUSH. Ayon sa isang article, ang bristles daw ng ating sipilyo ay pinamumugaran ng mga mikrobyo na nagbibigay ng iba’t ibang klase ng sakit. Ang common na nakukuha nga dito ay ang sipon, ubo, tonsillitis, periodontal disease o gum disease at iba pang sakit. Ang pagpapalit ng toothbrush 3-4 na buwan ay hindi sapat, kailangan na sa panahon ng 3-4 na buwan ay nadi-disinfect din ang mga sipilyo.
  2. Magpalit ng toothbrush pagkatapos mong magkasakit. Ito ay para maiwasan ang re-infection.
  3. Huwag tatakpan ang toothbrush kung ito ay basa. Ang basa o mamasa masa ay ang environment na gustong gusto na pamugaran ng mga mikrobyo.
  4. Gumamit ng sari-sariling container ng kanya kanyang toothbrush o dapat ay hiwa-hiwalay ito at hindi nagdidikitan. Ito ay para maiwasan ang kontaminasyon o magkahawaan kung ang isang tao ay may sakit.
  5. Araw araw na i-disinfect ang toothbrush gamit ang baking soda o white vinegar sa panahon na may sakit ka. Pagkatapos ay palitan ito pag magaling ka na.
  6. I-disinfect ang toothbrush 1 beses sa isang linggo.

Baking soda at white vinegar pang-disinfect ng toothbrush

Ang paggamit ng baking soda at white vinegar pang-disinfect ng toothbrush ay madali lamang. Gumamit ng isa sa 2, o paghaluin ang baking soda at white vinegar sa pagdi-disinfect.

BAKING SODA

Tooth brush na nililinisan para matanggal ang mikrobyo

Ihalo ang 1/2 kutsaritang baking soda sa isang baso o tasa na may kalahating tubig. Ibabad dito ang toothbrush ng hindi bababa sa 30 minutos. Pagkatapos ay banlawan ng malinis na tubig ang sipilyo.

WHITE VINEGAR o PUTING SUKA

Para naman sa white vinegar, gumamit ng 1 kutsaritang sukang puti at ihalo sa baso o tasa na may kahalahating tubig. Ibabad dito ang toothbrush ng hindi bababa sa 30 minutos. Pagkatapos ay banlawan ng malinis na tubig ang sipilyo.

Bukod sa benepisyo nitong magdisinfect, marami pang iba’t ibang benepisyo ang baking soda at white vinegar. Sa katunayan, ang baking soda ay maaaring gamiting natural na mouthwash, natural na alternatibo sa commercial na toothpaste, at may whitening properties din ito na kayang paputiin ang ngipin. Ang white vinegar naman ay maaaring gamitin sa paglilinis ng bahay.

Pero kung gagamitin ang baking soda sa ngipin, siguraduhin lamang na hindi araw araw. Ang baking soda ay masyadong abrasive na maaaring makasira sa tooth enamel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *