April 22, 2024
Baking soda ay pampaputi ng kutis na maitim

Paano gamitin ang baking soda sa pagpapaputi ng kutis

Sharing is Caring

Ang baking soda ay maaaring gamitin sa mga parte ng katawan na nais paputiin. Kung meron kayong melasma, age spots/sun spots, maitim na singit, kili-kili, siko, tuhod, leeg, paa o ibang parte ng katawan na hindi umaayon sa kabuuan ng kulay ng inyong kutis, ang baking soda ay maaaring makatulong sa problemang ito. Pero paano nga ba gamitin ang baking soda sa pagpapaputi ng kutis?

Parte ng katawan ng tao na kadalasan ay maitim

Paano nakakatulong sa pagpapaputi ng kutis ang baking soda?

Maraming benepisyo ang baking soda sa kutis. Bukod sa ito ay may bleaching properties o kakayahan na paputiin ang balat, ini-exfoliate din nito ang kutis para matanggal ang mga old skin. Sa kakayahang ito kaya maaaring gamiting ang baking soda sa mga maiitim na parte ng katawan o mukha.

Paano gamitin ang baking soda sa pagpapaputi ng kutis?

Ang paggamit ng baking soda sa mga problema sa balat ay simple lamang. Gumawa ng mixture ng baking soda at isa sa mga sumusunod:

  1. Tubig
  2. Citrus fruit– kagaya ng lemon juice, calamansi juice, lime juice.
  3. Langis– maaaring gumamit ng olive oil, coconut oil, o ibang mga langis o carrier oil na gustong gamitin.
  4. Honey
  5. Facial wash

Ang ginawang mixture ay i-apply sa parte ng katawan o mukha na maitim o gustong paputiin. Gamitin itong parang exfoliator, ikuskos ito sa kutis. Maaari ring gumamit ng basang bimpo o bath gloves sa pag exfoliate sa maitim na parte. Pagkatapos ay banlawan. Importante na pagkatapos mag exfoliate, gumamit ng isang magandang moisturizer sa balat para lalong paigihin ang skin rejuvenation at skin regeneration.

Bimpo at bath gloves mga gamit sa paghihilod o pag exfoliate ng kutis o balat.
Skin moisturizer na makakatulong sa pagpapaganda sa kutis o balat

Baking soda scrub recipe para sa kutis

  1. Baking soda at citrus fruit– ( juice ng lemon, calamansi o lime). Gumawa ng mixture ng baking soda (1 kutsarita) at 2 kutsara ng juice . I apply ito sa parte na gustong paputiin. Bahagyang hilurin at pabayaan ng isang minuto. Banlawan. Huwag gumamit baking soda at lemon ( citrus fruits ) mixture kung sensitibo ang balat.
Mga gamit at benepisyo ng lemon

2. Baking soda at honey– maaari ring gumawa ng mixture ng baking soda at honey. Paghaluin ang 1 kutsaritang baking soda at 2 kutsarang honey. I apply ito sa parte ng balat na maitim, hilurin ng bahagya. Ibabad ng ilang minuto at banlawan. Ang mixture na ito ay magandang gamitin sa may sensitibong balat.

Mga benepisyo ng honey sa kalusugan, kutis, buhok, katawan.

3. Baking soda at olive oil– maaaring gumamit ng olive oil, coconut oil o ibang carrier oil na available sayo. Sa bawat 1 kutsaritang baking soda ay haluan ng 1 kutsarang olive oil. Paghaluin hanggang makagawa ng paste like consistency. I apply ito sa maitim na parte ng katawan. Hilurin ito, pabayaan ng ilang minuto at banlawan.

Mga benepisyo ng extra virgin olive oil sa katawan, kalusugan, kutis, buhok.

4. Baking soda at facial wash– budburan ng baking soda ang gamit mong facial wash o facial cleanser. Kung gusto mo naman na gamitin sa iyong paliligo, maaaring gumawa ng DIY Baking Soda soap at pwede rin naman gumawa ng facial soap na may baking soda. 😉

Paano paputiin ang kutis gamit ang baking soda at facial wash.

Gabay sa paggamit ng baking soda sa kutis

  1. Huwag abusuin ang paggamit ng baking soda sa kutis, huwag itong araw arawin. Ito ay para mapanatili ang balanse ng PH level ng ating balat. Tandaan na ang baking soda ay alkaline. Sa sobrang paggamit nito ay maaaring ma disrupt ang ph balance ng ating kutis.

Importante ang PH o Potential of hydrogen sa ating balat o buhok. Hindi pwede na ang mga skin o hair care products mo ay sobrang acidic o sobrang alkaline. Kaya kailangan na i-adjust ang potential of hydrogen ng mga ginagamit sa balat o buhok

Para sa pagpapaputi: kung gagamitin naman ito sa pagpapaputi, 2-3 beses sa isang linggo lamang. Bigyan ng time na magrejuvenate o regenerate ang balat.

2. Kung gagamitin ang baking soda sa balat ng mukha at leeg, maging maingat sa paghilod. Ang ating balat sa mukha ay mas manipis kung ito ay ikukumpara sa balat ng ating katawan.

3. Kung gagamit ng baking soda at lemon o iba pang citrus fruits sa mukha, siguraduhing hindi ka masisinagan ng araw ng hindi bababa sa 12 oras. Ito ay para maiwasan ang photosensitivity. At huwag kakaligtaang gumamit ng sunscreen o sunblock lalong lalo na kung gumamit ng lemon, calamansi o lime sa balat.

Baking soda o sodium bicarbonate mga benepisyo nito sa kalusugan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *