April 22, 2024
Poopourri spray na homemade na gamit sa mga simpleng sangkap.

Paano gumawa ng Poopourri spray sa Bahay

Sharing is Caring

Ang poopourri ay ginagamit bago magdumi o pwede na rin bago umihi. Ito ay ini-spray sa toilet bowl bago magpalabas ng kahit na ano. Sa paraang ito, pag nagpalabas ka ng dumi, mas mangingibabaw ang amoy ng poop spray at hindi ang.., alam mo na.

Ang paggawa nito ay simple at madali lamang basta meron kang mga sangkap. At ang mga sangkap na ito ay mga simple rin naman.

Para sa konting background ng produktong ito, ang gumawa o ang nag-imbento nito ay si Suzy Batiz, at sya ang may ari ng pinaka sikat na brand- Poo-Pourri.

Ang paggawa ng poopourri ay isa sa mga DIY na exciting gawin. Paggawa ng combination ng mga essential oils para makamit ang amoy na gusto mo. Kung wala namang essential oils, maaari namang gumamit ng fragrance oil. At pagdating sa color, pwede ka ring gumawa ng combinations. Sa madaling sabi, practice ito sa creativity mo.

Maaari kang gumawa ng family size para gamitin sa bahay, o personal size para gamitin kung nasa pang publikong lugar ka. Praktikal itong gawin at mas epektibo ito kung ikukumpara sa mga air freshener na gamit sa kubeta na nakakasira sa kalusugan at kapaligiran.

Paano gumawa ng simpleng poopourri spray sa bahay

Para sa pinakasimpleng version ng paggawa ng poopourri spray, kailangan mo ng essential oils o fragrance oils, tubig, alcohol.

Mga sangkap para makagawa ng 50 ml

Water- 45 ml

Alcohol- 4 ml

Essential oil/Fragrance oil- 1 ml

Paghalo haluin ang lahat ng ingredients sa isang bottle spray. Ready to use na! At bago gamitin, kailangan ng malakasang pag alog para magcombine ang langis at tubig.

Ang disadvantage nito, dahil sa may water content ang produkto, in a few days mag-uumpisa na ito masira. Ayaw mo naman sigurong mag-spray ng molds o ano pa mang bacteria na namuo sa produkto.

Kaya ang solusyon diyan ay ang paggamit ng preservatives para mapatagal ang shelf life ng diy poopourri spray. Ang paggamit naman ng solubilizer ay para maghalo ang tubig at langis. Sa paraang yan, depende sa dami ng gagamitin mo, hindi ka na mag-aalog o konting alog nalang ang gagawin.

DIY Poopourri spray recipe

Para sa may arte at pangmatagalang toilet spray na maaaring gawin sa bahay;

Version 1: Strawberry Scent poopourri spray

Mga sangkap

Water- 18ml

Alcohol- 3ml , ethanol o isopropyl alcohol

Vegetable glycerin- 3 ml (optional)

Vegetable oil- 3 ml, para maging praktikal, gumamit ng cooking oil

Polysorbate 80- 5 ml

Strawberry Fragrance oil- 1.5

Coloring-. 0.45 ml

Preservatives- 0.15

Paraan ng paggawa:

1. Ilagay ang mga sumusunod na sangkap sa bottle spray, tubig, alcohol, vegetable glycerin.

2. Ihalo ang vegetable oil, essential oil o fragrance oil sa polysorbate 80. Paghaluing mabuti at ilagay na ito sa spray bottle. Importante na paghaluin muna ang oil based ingredients sa polysorbate bago ihalo sa water based ingredients.

3. Lagyan ng kulay at ilagay ang preservative na gagamitin.

Ready na ang DIY poo pourri spray: Strawberry scent

Poopourri spray na homemade na gamit sa mga simpleng sangkap.
Watch the VIDEO

Version 2: Citrusy scent poopourri spray

Ang version 2 naman ng DIY poo pourri spray ay ginamitan ko ng orange essential oil. Para sa demo purposes, maaari nyong panoorin ang paggawa ng DIY poo-pourri na ito- Orange poopourri spray sa ating Youtube channel.

Ang paraan ng paggawa ay pareho sa paggawa ng version 1, paghalo haluin ulit ang mga sangkap sa isang bote. Takpan at alugin.

Ang paggamit ng essential oil sa DIY poo pourri spray

Ang essential oil ay ginagamit bilang fragrance ng ginagawang produkto at kung gusto mo na mas natural ang ginagamit mo. Maaari ring mag combine ng mga essential na may anti viral o antibacterial. Kung ano ang gusto mo, maaari mo itong i customize

Pero kung pagiging praktikal naman ang paguusapan, maaaring gumamit ng fragrance oil.

Pero most of the time, fragrance oil ang gamit ko kung ang produkto ay gamit sa comfort room. Gumagamit lang ako ng essential oils pag ang mga stocks ko ay papalapit na ang expiration date o marami akong stocks.

Ang paggamit ng vegetable oil sa DIY poo pourri spray

Ang vegetable oil ay bilang ¨carrier¨ng essential oil o ng fragrance oil na ginamit. Parang isi-seal nito ang ginamit na essential oil o fragrance oil sa toilet bowl.

Ang ginamit ko dito ay ang simpleng cooking oil na gamit sa pagluluto. Hindi kailangang na olive oil o avocado oil 🙂

Ang paggamit ng Glycerin at Alcohol sa DIY poo pourri spray

Ang glycerin ay aakto bilang emulsifier ng ating mga sangkap at ganon din sa alcohol. Dagdag pa nito, ang alcohol ay tutulong din para madisperse pag ini spray ang DIY toilet spray.

Ang paggamit ng Polysorbate 80 sa DIY poo pourri spray

Dahil ang tubig at langis ay hindi maghahalo unless alugin mo ng malakas at matagal, gumamit tayo ng polysorbate 80. Ito ay tutulong sa paghahalo ng tubig at langis.

Pero ang ginamit kong percentage dito ay hindi masyadong marami, very minimal lamang at kailangan paring alugin pero slight na lang. Maghahalo na ito sa 2-3 shakes.

Pero kung gusto nyo na ang appearance ay fully solubilized talaga, maaari kayong magdagdag nito.

So, yan! Meron ka ng DIY poo-pourri na magagamit mo lalo na sa pampublikong palikuran. Hindi ka na mahihiya sa susunod na gagamit ng toilet na ginamit mo. Magpalabas ka man ng hangin sa pag ihi 😀 o dumumi, kering keri yan. Di yan maaamoy ng susunod sayo, ‘te! Dahil ang recipe ko ay tried and tested 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *