April 22, 2024
DIY Essential oil Reed Diffuser

Paano gumawa ng Essential Oil Reed Diffuser

Sharing is Caring

Ano ang Reed diffuser

Ang reed diffuser ay hindi lang para magsaboy ng bango, ito ay maganda ring gawing palamuti o dekorasyon sa bahay. Maaari mo itong ilagay sa banyo, kuarto, sala, kusina, kahit saang lugar.

Ang reed diffuser ay isang alternatibong paraan sa paggamit ng aromatherapy. Isa ito sa maaaring gawin o paraan ng pagdi-.diffuse ng essential oil.

Meron ka ng aromatherapy meron ka pang dekorasyon!

Mga kailangan sa paggawa ng essential oil reed diffuser

Mga SANGKAP at TOOLS:

  1. Essential oil– 36- 40 drops o depende sa concentration na gusto mo. Maaaring magformulate ng amoy ng iba’t ibang klase ng essential oil.
  2. Vegetable oil- 1/4 cup
  3. Alcohol- 2 kutsara. Maaaring gumamit ng isopropyl alcohol o ethanol, pumili ng sangkap na hindi matapang ang amoy.
  4. Rattan sticks
  5. Bote

Paraan ng paggawa ng essential oil reed diffuser

Ang paggawa ng essential oil reed diffuser ay hindi komplikado, napaka simple lamang ng paraan nito.

Ilagay ang langis sa bote, isunod ang alcohol, at ang essential oil na gagamitin.

ALUGIN

Ilagay ang rattan sticks at muling alugin. Ibabad ito ng di bababa ng 3 minuto para mababad ng likido ang mga sticks.

Baliktarin

DIY Essential oil Reed Diffuser

Meron ka ng Essential Oil Reed Diffuser

Maaari mo ring lagyan ng palamuti ang bote na gagamitin. Be creative at i-customize ang DIY Essential Oil Reed Diffuser.

Essential oil vs Fragrance oil sa paggawa ng reed diffuser

Ang essential oil at fragrance oil ay magkaiba. Kung gusto mong may health benefits, gumamit ng essential oil. Kung simpleng pampabango lamang at dekorasyon, gumamit ng fragrance oil.

Essential oils at iba' ibang gamit dito

Ibat ibang uri ng Fragrance oil na ginagamit sa paggawa ng cosmetics o pabango

Gumamit ng essential oil sa paggawa ng reed diffuser sa inyong silid tulugan. Gumamit ng langis na may calming benefits. Kagaya ng, lavender essential oil, chamomile essential oil, ylang ylang essential oil at iba pa. Kung sa silid mag-asawa naman, magandang gumamit ng mga blend ng essential oil na may aphrodisiac effect 😉

Sa madaling sabi, gumamit ng klase ng essential oil na nakadepende sa pangangailangan.

Kung fragrance oil naman, since wala naman itong benepisyong hatid sa kalusugan, gumamit nito kung ilalagay sa toilet.

Ang LANGIS sa paggawa ng reed diffuser

Maraming langis ang maaaring gamitin sa paggawa ng reed diffuser. Maaaring gumamit ng olive oil, avocado oil, sesame oil, at iba pang mga carrier oil. Pero kung gustong maging praktikal, gumamit lamang ng ordinaryong langis na ginagamit sa ating pagluluto.

Ang mga benepisyo ng carrier oil o fixed oill sa kalusugan

Ang Rattan Sticks sa paggawa ng reed diffuser

Ang rattan sticks ay ang pinakamagandang gamit sa paggawa ng diffuser kung ikukumpara sa barbecue sticks o ibang mga sticks. Ang rattan stick ay mas may abilidad na sumipsip ng likido at dahan dahang idi-diffuse nito ang amoy ng essential oil o fragrance oil na gagamitin. Sa abilidad na yan, hindi ito agad agad natutuyo. Sa paraang yan, tumatagal ang amoy ng homemade diffuser gamit ang rattan.

Rattan sticks na gamit sa diffuser

Dami ng rattan sticks na gagamitin

Mas maraming sticks mas maganda. Pero minsan nakasalalay ang dami ng ilalagay na sticks sa butas ng bote.

Bote na gagamitin sa paggawa ng reed diffuser

Pagdating naman sa bote na gagamitin sa diffuser, pumili ng bote na maliit ang butas. Maaaring gumamit ng transparent pero mas maganda kung ito ay de-color. Ang de color na bote ay nagbibigay ng proteksyon sa langis lalong lalo na sa essential oil. Dahil ang essential oil ay light sensitive. Kung protected ang essential oil, lalong tatagal ang bango nito.

Pero kung walang mahanap na de color na bote, gumamit ng transparent. Maaari mo naman itong dikitan ng mga palamuti at ito ay tatayong pangsangga sa sinag ng ilaw.

Pagbaliktad at pag-alog ng bote

Pag ang rattan sticks ay tuyo na o hindi na nagbibigay ng amoy, baliktarin ito. Pero bago baliktarin, alugin muna ng mga kalahating minuto.

Panoorin sa YOUTUBE

Pag ang mixture ay ubos na o hindi na nagbibigay ng amoy, itapon ito at gumawa ng panibagong mixture.

At yan ang simple paraan ng paggawa ng DIY Essential Oil Diffuser 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *