April 22, 2024
Panglinis ng kubeta gamit ang mga natural na sangkap.

Paano gumawa ng Toilet Bomb Cleaner

Sharing is Caring

Ang toilet o comfort room ay ang parte ng bahay na mahirap i-maintain, lalo na kung maraming gumagamit nito. At kung ang gumamit ay wala pang pakialam, hay,naku! Kukulo ang dugo natin diyan. Importante na ang comfort room ay malinis at mabango, kaya tinawag na COMFORT. Yan ang lugar na nagre-refresh tayo, nagbabawas, nagtu-toothbrush, naliligo,etc. Ang isang DIY na maaari nating gawin ay ang mga panglinis sa ating toilet. Gamit ang ilang sangkap, makakagawa tayo ng toilet bomb cleaner.

Mga Sangkap at Paraan ng Paggawa ng Toilet Bowl Cleaner

Gumamit ng face mask para hindi malanghap ang powdered ingredients. Mold naman para pang hulma sa gagawing toilet bomb.

Mga Sangkap

  1. Baking soda 1 cup
  2. Citric acid 1/4 cup
  3. Dishwashing liquid 1 tablespoon

Paraan ng Paggawa

1.Sa isang mangkok, paghaluin ang baking soda at citric acid. Haluing mabuti.

2. Pag fully incorporated na ang mga powdered ingredients, ipatak dahan dahan ang dishwashing liquid. Haluing mabuti. Huwag madaliin ang pagpatak para hindi bumula ang mga sangkap lalo na ang citric acid.

3. Ilagay sa silicone mold at itabi ito ng at least 6 hours.

Toilet Bomb Cleaner Video

Panglinis ng kubeta gamit ang mga natural na sangkap.

Paano gamitin ang DIY Toilet Bomb Cleaner

Ilagay ito sa toilet at antaying matunaw. Ito ay sasagitsit at bubula dahil sa baking soda at citric acid. Pabayaan ng mga 10-15 minutes bago i-scrub.

Pag hindi kontento sa bula, magdagdag pa ng sabon. Gumamit ng shredded na laundry bar soap o powdered soap. Maaaring maglagay 1-2 kutsarang sabon.

PABANGO– kung gusto naman ng may bango ito, maaaring maglagay ng fragrance oil na gustong gamitin.

Ibat ibang uri ng Fragrance oil na ginagamit sa paggawa ng cosmetics o pabango

KULAY– maaari ring gumamit o lagyan ng kulay ang toilet bomb cleaner.

Mga gamit sa pangkulay ng mga sabon ay mga DIY Cosmetics

Ilagay ang toilet bomb cleaner sa isang garapon para maprotektahan mula sa moisture. Makakatulong ito para tumagal ang shelf life. Kung gaano katagal ang shelf life nito ay hindi ko alam. Dahil ang mga ginagawa kong mga cleaner ay nagagamit ko ng halos isang taon.

SINK DRAIN CLEANER– ito ay hindi lang magagamit sa toilet, magagamit mo rin ito sa drain ng sink. Hindi lang nito malilinisan ang drain, makakatanggal din ito ng sebo na nakabara sa drain.

Ang toilet bowl at sink drain ay hindi lang natural na malilinisan, madi-disinfect din ito.

Iba pang mga DIY Cleaning products na maaaring gawin para sa Comfort Room

1. Maaaring gumawa ng mga air freshener o toilet spray.

2. Maaaring gumawa ng Poo pourri spray.

Poopourri spray na homemade na gamit sa mga simpleng sangkap.
WATCH THE VIDEO

3.Maaaring gumawa ng natural na panglinis na gawa sa mga balat ng citrus fruits at suka.

Hindi kailangang gumamit ng mga chemical na panglinis na maraming negatibong epekto sa ating kalusugan. Sa paggamit ng mga natural na bagay na maaaring i-DIY, nailalayo natin ang kalusugan sa peligro at nakakatulong tayo sa ating kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *