April 22, 2024

Paano gumawa ng diaper rash cream

Sharing is Caring

Lahat ng sanggol ay nagkakaroon ng rashes. Ito ay mahirap iwasan lalong lalo na kung gumagamit sila ng disposable diaper. Kaya kung sila ay ipupunta mo sa pedia, magrereseta ang doktor ng ointment na ipapahid sa balat na may rashes. At hindi lang ito gamot, ito rin ay bilang cream o ointment na magbibigay ng proteksyon sa balat ng sanggol mula sa irritants.

Ang diaper rash cream o ointment ay maaari mong i-DIY sa bahay. At ang mga sangkap na gagamitin ay konti lang, minimized ang paggamit ng mga kemikal.

Bakit nagkakaroon ng rashes si baby?

Disposable diaper

Ang diaper mismo ay irritant sa kutis ng bata. Ang diaper ay gawa sa iba’t ibang uri ng kemikal na tumutulong na iabsorb ang ihi o ang moisture. Meron din itong mga ¨perfume¨ na maaaring maging sanhi ng rashes ng sanggol.

Kaya kung napapaisip ka kung bakit nagkakarashes ang anak mo sa kabila ng pagpapalit ng diaper every 3-4 hours, nagrereact lang ang balat ng bata sa mga kemikal na ginamit sa paggawa ng brand ng diaper na gamit mo. Kaya ang pagpapalit ng brand ng diaper ay isang magandang gawi para malaman kung saan hiyang ang balat ni baby.

Cloth diaper o Lampin

Hindi rin ligtas sa rashes ang bata sa paggamit ng lampin. Ang mga kemikal na nasa sabon, fabric conditioner at chlorine ay sanhi rin ng rashes.

Gumamit ng baking soda sa paglalaba ng lampin at damit ng sanggol. Makakatulong itong i-neutralize ang mga chemical na nasa sabon, chlorine at fabric conditioner. At kung walang baking soda, maaaring gawing substitute ang white vinegar o puting suka.

Sa huling banlaw, mag dilute ng baking soda sa tubig at ibabad ang mga damit at lampin ng sanggol.

Panatilihing tuyo at malinis ang balat ng sanggol para hindi ito magka rashes at gumamit ng diaper rash cream sa kanilang balat bilang lunas o pang iwas sa rash.

Ano ang Diaper rash cream o ointment

Ang diaper rash cream ay ginagamit bilang skin protectant ng baby para maiwasan ang pagkakaroon ng rashes. Pinapahid ito sa balat para maging barrier ng kutis sa nga irritants kagaya ng ihi, dumi at mismo ng diaper at lampin.

Maraming mga brand ng diaper cream na mabibili sa pharmacy. Merong ointment, merong may natural ingredients. May mga company na gumagamit ng petroleum jelly, iba’t ibang uri ng kemikal, titanium dioxide, zinc oxide, iba’t ibang uri ng langis at iba’t ibang herbal extracts.

Pero ang mga nakapaloob sa mga nabibiling diaper cream ay hindi kailangan lahat. Karamihan dito ay para lang gawing stable ang produkto, hindi masira at umabot ng 3 taon o higit pa. Di naman kakailanganin ni baby ang diaper cream o ointment ng 3 taon, di ba?

At ang kung ang isang bagay ay gagamitan ng preservative para tumagal ng maraming taon, malaki rin ang dosage ng preservatives na kakailanganin.

Kaya sa loob ng inyong bahay, gumawa ng diaper cream o balm at simplehan ang mga sangkap.

Paano gumawa ng DIY diaper rash cream

ZINC OXIDE– karamihan sa mga diaper cream o ointment na nabibili sa mercado ay may sangkap na zinc oxide na nasa 10%.

Ang zinc oxide ay nagbibigay ng proteksyon sa balat at nakakatulong itong lunasan ang rashes at protektahan ang balat mula sa mga irritants.

Para sa paggamit ng zinc oxide bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng lunas sa diaper rash, gagawa tayo ng dalawang recipe. Ang isa ay may water content at ang pangalawa ay purong oil based.

Paano gumawa ng diaper rash cream at balm gamit ang zinc oxide

DIAPER RASH CREAM: Zinc oxide #1

Gawa tayo ng diaper rash cream gamit ang zinc oxide na 10 %.

MGA SANGKAP

  1. Homemade jelly oil– 19.5 grams. Kung walang homemade jelly oil, gumamit ng extra virgin coconut oil. Pero hindi ko ina-advice na gumamit ng vaseline o petroleum jelly.
  2. Zinc oxide- 3 grams
  3. Cetyl alcohol- 3 grams. Maaari ring gumamit ng Beeswax. Gawing 2 grams ang cetyl alcohol at 1 gram na beeswax.
  4. Distilled water- 1.5 grams. Magpakulo ng tubig kung walang distilled water.
  5. Vegetable glycerin- 1.5 grams
  6. Vitamin e gel capsule- 1 gel capsule
  7. Preservative- 0.15 grams

PARAAN NG PAGGAWA

  1. Paghaluin ang homemade jelly oil at zinc oxide sa isang heat resistant na container.

2. Ilagay ito sa water bath para maincorporate o maghalo ang 2 sangkap. Gumamit ng slow to medium heat at pabayaan ito ng hindi bababa sa 15 minutes.

3. Paghaluin naman sa isang lalagyan ang tubig at glycerin. Ilagay din ito sa isang water bath.

Nilagay ko sa isang water bath ang sangkap na tubig at glycerin dahil ito ay masyadong magaan para isabay sa water bath na ginamit sa langis at zinc oxide. Pwedeng pagsamahin sa iisang water bath ang oil at water ingredients.

4. Sukatin ang cetyl alcohol. Isama ito sa zinc oxide at jelly oil. Maaari ring gumamit ng beeswax. Halimbawa, gawing 2 grams ang cetyl alcohol at 1 gram na beeswax.

5. Hanguin ito mula sa apoy, hanguin rin ang pinagsamang tubig at glycerin mula sa apoy.

6. Dahan dahang ihalo ang mixture ng tubig at glycerin sa langis at zinc oxide. Haluin itong mabuti para mag emulsify ang mga sangkap. Maaaring gumamit ng hand held blender o simpleng whisk.

7. Itabi at antaying bumaba ang temperatura. Pag nasa room temp na ito, butasin ang vitamin e gel capsules at ipatak.

8. Pagkatapos ay ilagay ang preservative na gagamitin.

9. Maaari na itong ilagay sa container pero huwag munang tatakpan. Pabayaan muna ng ilang oras para siguradong ito ay napalamig mabuti.

Skin test

Ang ginawa kong test ay ang pagpahid ng cream sa balat at pinadaan ito sa running water.

Pag testing ng zinc oxide diaper cream sa balat.
Meron paring naiwang cream sa balat.
Paggamit ng Preservative

Kung ang 20 grams ay magagamit ng 1 linggo, huwag ng gumamit ng preservative. Ilagay nalang ang cream sa ref para ito ay hindi masira. Pero kung gagamitin ito ng more than a week, advisable na lagyan ng preservative.

Paano gumawa ng diaper rash oil gamit ang zinc oxide

Diaper rash ointment na gawa sa 10 percent zinc oxide

DIAPER BALM: ZINC OXIDE #2

Dito naman sa diaper balm with 10 percent zinc oxide, gagamit tayo ng konting sangkap lamang.

MGA SANGKAP

  1. Homemade jelly oil- 8.9 grams, maaaring gumamit ng extra virgin coconut oil.
  2. Zinc oxide- 1 gram
  3. Vitamin e- 1 gel capsule

Ang recipe ay para sa 10 grams na diaper balm.

PARAAN NG PAGGAWA

1.Magpainit ng tubig na gagamiting hot water bath. Ilalagay mo dito ang mga sangkap pag ang tubig ay mainit na.

2. Pagsamain ang langis at zinc oxide sa isang heat resistant na mangkok. Ilagay ito sa hot water bath. Pabayaan ito ng mga 10 minutes at haluin in between.

Hanguin sa apoy at antayin lumamig hanggang sa room temperature.

3. Ilagay ang vitamin e gel capsule at muling haluin.

4. Ilagay sa isang container, takpan pag ito ay tuluyan ng napalamig.

TEST

Litrato ng pag test ng zinc oxide cream.
Mas malapot ang consistency kung ikukumpara sa zinc oxide cream

Ready na ang diaper balm para kay baby! 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *