April 22, 2024
DIY baking soda foot powder para sa mabahong paa, alipunga, at fungal infection

Gumawa ng DIY Baking Soda Foot Powder

Sharing is Caring

Ang paggamit ng baking soda sa alipunga ay isang mainam na paraan o isang natural na lunas sa problema sa alipunga. Dahil ang isa sa mga benepisyo ng baking soda ay ang pagkakaroon ng antifungal properties. Dahil diyan maaari itong gawing foot powder. Ang simpleng pagbuhos ng pulbos ng baking soda sa paa ay makakakuha ka ng benepisyo. Kagaya ng benepisyo na hatid ng nabibiling foot powder. Bukod sa pagbuhos ng baking soda sa paa, maaari ka ring gumawa ng diy baking soda foot powder at iba pang DIY foot deodorant kasama ng iba pang mga natural na sangkap.

Benepisyo ng diy baking soda foot powder

Ang baking soda foot powder ay may kakayahang i-absorb ang moisture ng paa. Ang benepisyo ng pag-absorb ng moisture sa paa ay para maiwasan ang pagdami ng mikrobyo. Dahil sa mamasa masang lugar, napapabilis ang pagdami ng mga mikrobyo kagaya ng fungi. Sa paggamit nito, kontrolado ang pagpapawis ng paa na kadalasan ay dahilan ng alipunga, mabahong paa at iba pang fungal infection.

Paano gumawa ng DIY baking soda foot powder

Kapag gumawa ng DIY baking soda foot powder, kailangan mo lang ng ilang gamit at sangkap. Konting paghahalo at patak, meron ka ng homemade foot powder.

Mga sangkap/ingredients sa paggawa ng DIY Foot Powder

  1. Baking soda– 1 kutsara
  2. Cornstarch/arrowroot powder– 2 kutsara (dito sa recipe na ito gagamit tayo ng cornstarch. Para sa arrowroot powder, gagamitin natin yan sa mga level up na DIY beauty products.) 🙂
  3. Baking powder– 1 kutsara
  4. Essential oil- tea tree oil 4-6 na patak

Ang tea tree essential oil ay isa lang sa mga essential oil na maaaring gamitin bilang natural na lunas sa alipunga. Meron itong antibacterial at antifungal properties na swak sa mga taong may alipunga o mabahong paa.

Kung ikaw naman ay walang ganitong problema at gumagamit ka lang ng foot powder bilang prevention, maaaring gumamit ng ibang essential oil. Kung anong gusto mong amoy ay maaari mong gamitin dito, maaaring gumawa ng mixture ng iba’t ibang uri ng essential oils.

Kung gagamit kayo ng more than 1 klase ng essential oil, hatiin ang patak ng bawat isa sa 4-6 na patak.

Mga gamit sa paggawa ng DIY Foot Powder

  1. Mangkok
  2. Panghalo– whisk, tinidor o stirring rod.
  3. Jar/Spice shaker– maaari ring gumamit ng lumang sisidlan ng baby powder kagaya ng johnson’s baby powder
Ang spices & herbs jar o shaker na maaaring gawing lalagyan ng gagawing diy baking soda foot powder.

Paraan ng paggawa

  1. Paghaluin ang mga pulbos na ingredients, baking soda, cornstarch at baking powder. Gumamit ng stirring rod, whisk, o tinidor para siguradong mapaghalo ng mabuti ang 3 sangkap na pulbos.

2. Patakan ng 4-6 na patak ng essential oil. Haluin ulit mabuti para mai-distribute ang pinatak na tea tree essential oil.

3. Pag napaghalo ng mabuti ang mga powdered ingredients at essential oil, wala ng buo-buo at ito ay tuyong tuyo na, ilipat ito sa gagamiting lalagyan o container. Pag ito ay nasa lalagyan, alugin ulit ito.

Ready na gamitin! Isang simpleng foot powder na gawa sa baking soda at iba pang sangkap na galing sa inyong kusina.

Gusto mong panoorin ang video nito? Bisitahin lamang ang video kung paano ginawa ang baking soda foot powder sa Youtube.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *