April 22, 2024
Deodorant na gawa sa baking soda

Paano gumawa ng DIY Deodorant gamit ang baking soda

Sharing is Caring

Baking soda para sa kili-kili? Pwede ba yun? Pwede! 🙂 Maraming benepisyo ang baking soda, ito ay pampaalsa ng tinapay o cake, panglinis ng kubeta, kayang paputiin ang kutis, ito ay maaari mo ring gamitin sa iyong kili-kili. Maaari kang gumawa ng DIY Deodorant gamit ang baking soda o ang simpleng pagpahid ng pulbos nito sa iyong kili-kili ay may hatid nang benepisyo.

Paggamit ng baking soda sa kili-kili bilang deodorant

  1. Deodorizer– ang baking soda ay isang natural na deodorizer na maaaring gamitin sa kili-kili. At kaya rin nitong i-control ang perspiration o pagpapawis ng inyong kili-kili.
  2. Panlaban sa anghit– ang anghit o body odor sa ingles ay hindi lang simpleng amoy ng kili-kili. Kumbaga, ang anghit ay lume-level up sa baho. Ang baking soda ay may kakayahan ng pigilan ang pagdami ng bakterya na syang dahilan ng anghit.
  3. Pinapaputi ang kili-kili– ang isa sa benepisyo ng baking soda ay ang kakayahan nitong paputiin ang balat. Para rin itong tawas na natural na mapapaputi ang maitim na kili-kili.
  4. Mantsa sa damit– hindi kagaya ng mga nabibiling deodorant, ang baking soda ay hindi nagiiwan ng marka o nagmamantsa sa damit lalong lalo sa puti.

Paano gamitin ang baking soda sa kili-kili

Ang paggamit ng baking soda sa kili-kili bilang natural na deodorant ay simple lamang. Ito ay maaari mong gawin o gamitin sa dalawang paraan.

  1. Baking soda deodorant spray– sa 50ml na tubig, haluan ng kalahating (1/2) kutsaritang baking soda. Ilagay ito sa bottle spray. Alugin ang bote bago i-spray sa kili-kili.
  2. Gumawa ng paste-like consistency – at ito ang ipahid sa kili-kili. Haluan lamang ng tubig ang baking soda hanggang makuha ang texture na ´´paste-like´´.
Pinaghalong baking soda at tubig

3. Diretsong pagpahid sa kili-kili– pagkatapos maligo habang mamasa masa pa ang kilikili, pahiran agad ito ng baking soda.

Ito ay mga simpleng paraan lamang sa paggamit ng baking soda bilang isang natural na deodorant. At para i-level up ang paggamit nito, maaari rin tayong gumawa ng diy deodorant gamit ang baking soda kasama ang ibang mga natural na sangkap.

Paano gumawa ng DIY Deodorant gamit ang baking soda

DIY deodorant na gawa sa baking soda

Mga kailangan

Deodorant stick container

Mixing bowl

Double boiler

1/2 kutsarang baking soda

2 kutsarang cornstarch

3 kutsarang extra virgin coconut oil

1 kutsaritang beeswax

4-6 patak ng essential oil (optional)-

Procedure ng paggawa

  1. Magpakulo ng tubig para sa ating improvised double boiler.
  2. Hiwain o guntingin ng maliliit ang beeswax.
  3. Paghaluin ang beeswax at extra virgin coconut oil sa isang mixing bowl.
  4. Ilagay ang mixing bowl o mangkok na may beeswax at coconut oil sa improvised double boiler para matunaw.
  5. Habang inaantay matunaw ang beeswax at coconut oil, paghaluin ang cornstarch at baking soda. Haluin itong mabuti at itabi.
  6. Pag ang beeswax at coconut oil ay halos natunaw na, hanguin ito mula sa mainit na tubig.
  7. Haluin ulit ang beeswax at coconut oil mixture hanggang sa matunaw lahat ito.
  8. Ihalo ang powder ingredients sa coconut oil at beeswax mixture.
  9. Patakan ng essential oil at haluin ulit mabuti. Siguraduhing ang texture at consistency ay creamy and smooth, walang lumps o buo-buo.
  10. Kapag ito ay nasa room temperature na, maaari na itong ilipat sa deodorant stick container o ibang container na gustong paglagyan ng diy deodorant.
  11. Ilagay sa refrigerator para tumigas. Mga 5-10 minutos, ito ay magiging solid na.

Pagkatapos ng 5-8 minutes, depende sa temperature na meron kayo, ito ay solid na at pwede ng gamitin. 🙂

Homemade DIY baking soda deodorant

Mga gabay sa pag gumawa ng diy baking soda deodorant

  1. Ang paggamit ng beeswax ay para gawing solid ang liquid. Maaari itong i-adjust para makuha ang gustong consistency ng produkto. Maaaring magbawas kung ikaw ay nasa malamig na lugar o magdagdag ng beeswax kung ikaw naman ay nasa mainit na lugar.
  2. Ang paggamit ng essential oil ay optional lamang kung medyo gipit sa budget. Pero kung meron, mainam kung dadagdagan mo nito. Maraming benepisyo ang hatid nito, bukod sa magbibigay ito ng natural na bango sa DIY beauty products. Gumamit ng essential oil na may anti-bacterial properties, kagaya ng lavender, thyme, at lemon kung gusto mong pumuti ang kilikili. Marami kang pagpipilian.
  3. Maaaring gumamit ng iba’t ibang uri o mixture ng essential na gusto mong i-formulate.
  4. Ang beeswax ay mas madaling matunaw kung ito ay nagutay ng mas maliliit.
  5. Maaari nyong i-adjust ang dami ng baking soda.
  6. Ang baking soda ay maaari pang dikdikin gamit ang mortar and pestle para maging medyo powdery ang texture nito.
Mortar and pestle ang isang bagay na kailangan sa pagpupulbos o pandikdik.

Gumamit ng iba’t ibang DIY deodorant gamit ang iba’t ibang natural na sangkap. Maaari ring gumawa ng deodorant gamit ang apple cider vinegar, bentonite clay, at iba pang mga sangkap kagaya ng iba’t ibang uri ng spices & herbs na may benepisyo sa pagtanggal ng anghit.

Mga hindi magandang epekto ng Paggamit ng Baking Soda sa Kili-kili

Ang baking soda ay alkaline. Ang ph nito ay nasa 8.0 to 8.5 ( kung tama ang ph meter ko .) At ang mga commercial na deodorant o antiperspirant naman ay nasa 4.0-6.0. Kung pag-uusapan natin ang importansiya ng Potential of hydrogen, ang baking soda ay irritant kung gagamitin araw-araw. Para sa may sensitibong balat, maaari kang magkaron ng;

  1. Pamumula sa kili-kili
  2. Rash
  3. Pangangati

Gamitin lang ito 2-3 beses sa isang linggo. Pero kung gusto ninyong mas safe mula sa hindi magandang epekto ng baking soda, mag-apply ng baking soda na hinaluan ng tubig o langis. I-apply ito sa kili-kili ng ilang minuto pagkatapos ay maligo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *