April 22, 2024
paraan ng pagtanggal ng amoy ng carpet sofa kutson gamit ang baking soda at white vinegar

Natural na paraan sa pagtanggal ng amoy ng Carpet, Sofa at Kutson

Sharing is Caring

Mayroong 2 natural na paraan sa pagtanggal ng amoy ng carpet, sofa at kutson. Ito ay ang paggamit ng baking soda at white vinegar o mixture ng dalawang sangkap na ito. Ang baking soda at white vinegar ay may kapasidad na mag-absorb at magtanggal ng mabahong amoy. At dahil diyan, maaari at epektibo itong gamitin sa inyong sofa, kutson ng kama, at carpet.

Benepisyo ng paggamit ng baking soda at white vinegar

  1. Natural na panglinis- ang baking soda at SUKA ay mga natural na panglinis. At sa katunayan, isa lang ito sa napakarami pang benepisyo ng baking soda at white vinegar. Ito ang mga sangkap na kung saan ay maiiwasan natin ang paggamit ng mga kemikal na makakasama sa ating kalusugan.
Baking soda at white vinegar para pantanggal ng amoy ng carpet

2. Bukod sa natural na panglinis, ang baking soda at white vinegar ay kaya ring puksain ang mga dust mites na namumugad sa carpet, sofa at kutson. Ang dust mites ay maliliit na insekto, na sa sobrang liit ay hindi kayang makita ng iyong mata. Pero kahit na maliit, malaki ang magiging epekto nito sa ating kalusugan. Ito ay maaaring maging sanhi ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat kagaya ng rashes, pangangati. Bukod diyan, sa paglanghap ng mga dumi nito ay magiging sanhi rin ng asthma, ubo, sipon at iba pa.

Baking soda at white vinegar pantanggal ng amoy ng sofa

3. Natural na pantanggal ng amoy. Kadalasang sanhi ng amoy ng mga gamit na ito ay sa kalumaan. At dahil sa kalumaan, nagkakaroon na ito ng ”dusty or musty smell” dahil sa mga naipong mga alikabok o usok. Ang klase ng amoy na minsan ay masakit sa ulo at sa ilong. At kung minalas pa, baka makakuha pa tayo ng sakit dulot ng mga molds o fungus.

Baking soda at white vinegar pantanggal ng amoy ng kutson ng kama

Paano ginagamit ang baking soda at white vinegar sa paglilinis

Paggamit ng Baking soda

Ang baking soda ay maaaring gamitin sa dalawang paraan bilang natural na pagtanggal ng amoy ng carpet, sofa, at kutson ng kama.

1. Dry method– ang dry method ay paraan na kung saan ay bubudburan o wiwisikan mo ng baking soda ang carpet, sofa o kutson ng kama. Dagdagan o damihan ang parte na kung saan ay mas kinakailangan ng absorption o kung saang parte ang merong mabahong amoy. Pabayaan ng 1 oras o higit pa,depende sa tapang ng amoy na kinakailangang tanggalin. At kung maaari, ibilad ito sa araw. Pagkatapos ay pagpagin o gumamit ng vacuum cleaner.

Baking soda o sodium bicarbonate mga benepisyo nito sa kalusugan

2. Wet method
     Para sa wet method naman, gumawa ng baking soda solution.
 
    Mga kailangan: 
                               Sprayer
                               Tubig 1 cup
                               Baking soda 1-2 kutsara
             Ihalo ang tubig at baking soda sa bottle spray. Kulugin ang mixture hanggang ang baking soda ay matunaw. I-spray ito sa carpet, sofa, o sa kutson ng kama. Ibilad ito sa araw ng ilang oras. Mag spray muli kung kinakailangan. Kung ang bagay na nilagyan o inisprayhan ng baking soda ay may residue, pagpagin lamang ito.

Bukod sa tatanggalin ng baking soda ang mabahong amoy ay bibigyan din nito ng buhay ang kulay ng inyong sofa, kama, at carpet. Dahil sa benepisyong iyan kaya ginagamit din ang baking soda sa labahan.

Spray bottle ang gamit sa paglilinis gamit ang mga natural na sangkap.

Paggamit ng White vinegar o puting suka

Ang white vinegar o puting suka naman ay isa ring natural na paraan para pagtanggal ng amoy ng carpet, sofa o kutson. Simple lamang ang gagawin at kailangan dito.

Mga kailangan:

Spray bottle

1/2 tasang white vinegar o suka

500 ml na tubig

Paghaluin ang tubig at puting suka sa isang spray bottle. Ilagay ang mixture sa spray bottle at i-spray ito sa inyong carpet, sofa o kutson. Ibabad sa araw, isprayhan ulit kung kinakailangan.

Paano gamitin ang Baking soda at White vinegar

Ang baking soda at white vinegar ay maaaring paghaluin para gamiting pagtanggal ng amoy.

Mga kailangan:

Spray bottle

1 kutsarang baking soda

1/2 tasang white vinegar

500ml na tubig.

Paghaluin ang tubig at white vinegar sa isang palanggana. Dahan dahang ihalo ang baking soda sa palangganang may tubig at suka. Ang dahan dahang paghalo ng baking soda ay para maiwasan ang pagsagitsit at pagbulwak nito. Pagkatapos paghaluin ay ilipat ang mixture sa spray bottle. I-spray ang mixture sa carpet, sofa o kutson.

Ang paraang ito ay maaari ring gamitin sa mga kutson na kung saan ay naihian ng mga bata o sanggol. Epektibo ito sa pagtanggal ng amoy ng ihi.

Hindi lang ito magagamit na pangtanggal ng amoy ng carpet, sofa o kutson. Ang kumbinasyon ng baking soda at puting suka ay magagamit na panglinis ng kahit saang parte ng bahay. Pwede ito sa bathroom o toilet, sink, kusina etc.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *