April 22, 2024
Baby powder na talc free na gawa sa iba't ibang uri ng starch.

Paano gumawa ng Baby Powder na Talc free

Sharing is Caring

Ang paggawa ng sarili mong baby powder o body powder ay ang isang paraan para makaiwas sa mga pulbos na gawa sa TALC. Ang talc ay sinasabing nagbibigay ng cancer lalo na sa kababaihan dahil sa kontaminasyon ng asbestos. Kahit asbestos free man ito, ang talc ay meron paring dulot na peligro sa kalusugan, mga sakit sa baga kagaya ng asthma at talcosis.

Kaya para maiwasan ang mga sakit na maaari mong makuha sa talc, gumawa ka ng sariling mong baby powder na talc free.

Talc na ginagamit na pulbos ng mukha at katawan.

Alternatibong Sangkap sa paggawa ng Baby Powder

Maraming mga alternatibo para makaiwas sa talc na sangkap sa mga baby powder kagaya ng Johnson’s baby powder. Maaaring gumawa gamit ang isa sa mga sumusunod o kombinasyon ng mga ito.

  1. Gawgaw– ang common na brand na nakikita ay ang Liwayway gawgaw.
  2. Cornstarch– maraming iba’t ibang brand nito, kahit anong brand ay maaaring gamitin.
  3. Arrowroot powder– para itong harina o cornstarch. Marami itong benepisyong hatid.
  4. Tapioca starch– ang tapioca starch ay maaari ring gamitin sa paggawa ng baby powder.
  5. Oatmeal– maganda gamitin ang oatmeal lalo na sa may mga sensitibong balat.

Paano gumawa ng Baby powder na Talc FREE

Gumamit ako ng dalawang uri ng powder sa paggawa ng baby powder.

Mga SANGKAP

  1. Arrowroot powder 2 tablespoon
  2. Cornstarch 1 tablespoon
  3. Lavender essential oil 15 drops
  4. Chamomile essential oil– 10 drops
  5. Fixative 3 drops
Baby powder na talc free na gawa sa iba't ibang uri ng starch.
Panoorin ang VIDEO

Paraan ng Paggawa

  1. Paghaluin ang arrowroot powder at cornstarch sa isang mixing bowl. Siguraduhing ito ay well incorporated.
  2. Pag nahalo ng mabuti ang powdered ingredients, ilagay ang essential oil na lavender at ang fixative.
  3. Haluin muling mabuti para maikalat ang amoy.
  4. Pag sigurado ng tuyo na ang powder mula sa pagpatak ng essential oil at fixative, ilagay na ito sa isang bote o garapon. Pero kung diskumpiyado, pabayaan muna ng ilang oras sa mixing bowl.
  5. Maaari na itong gamitin. Pero kung gustong mas tatagal ang amoy, itabi lang ito ng 1-3 araw bago gamitin.

Meron ka ng BABY POWDER na TALC FREE

Kung gusto mong mas fine ang pulbos, maaari itong ipadaan sa coffee grinder o mortar and pestle. Ang coffee grinder at mortar and pestle ay maaari ring gamitin sa paghahalo ng pulbos. Isa ito sa mga gamit na importante sa paggawa ng DIY cosmetic products.

Coffee grinder na gamit sa pag pulbos ng mga halamang gamot o spices & herbs at iba pang mga sangkap sa paggawa ng DIY cosmetic products.
Mortar and pestle ang isang bagay na kailangan sa pagpupulbos o pandikdik.

Pagdating sa essential oil na ginamit, maaaring gumamit ng ibang essential oils kagaya ng chamomile essential oil. Kagaya ng lavender essential, ang chamomile ay may soothing and calming properties.

Hindi lang baby powder ang maaari mong i-DIY. Maari ring gumawa ng body powder para sa kababaihan. Marami sa atin ay gustong gustong maglagay ng pulbos sa ating katawan. Sa paraan ng DIY, may abilidad kang i-customize o i-personalize ang pulbos sa taste mo.

Paano gumawa ng BODY POWDER na Talc FREE

Pareho lang ang paggawa ng body powder sa baby powder. Since gagamitin ito ng kababaihan, gumamit ng scent o essential oil na may feminine scent. Maaaring gumamit ng rose essential oil, jasmin essential oil, violet essential oil, ylang ylang essential oil at iba pang may floral scent. Kung gagamitin naman ng lalake, gumamit ng essential oil na manly ang amoy.

Mga Sangkap

  1. Arrowroot powder 2 tablespoon
  2. Cornstarch 1 tablespoon
  3. Rose essential oil 2 drops
  4. Ylang/ylang essential oil- 4 drops
  5. Vanilla 5 drops
  6. Fixative 3 drops
Body powder para sa kababaihan na gawa sa cornstarch at arrow root. Talc free.
Panoorin ang VIDEO

Paraan ng Paggawa

Paghaluin ang mga powdered ingredients. Pag fully mixed na, ipatak ang essential oil, vanilla at fixative. Ilagay ito sa isang garapon at itabi ito ng 3 araw para mag mature ang amoy. Pagkatapos ng 3 araw, maaari na itong gamitin.

DIY baking soda foot powder para sa mabahong paa, alipunga, at fungal infection

Maaari ring gumawa ng foot powder gamit ang mga alternatibo sa talc. Maaari mong lagyan ng essential oil na may anti fungal benefits kung meron kang fungal infection kagaya ng alipunga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *