April 22, 2024
Mga natural na lunas sa sakit ng ulo

Ang mga Natural na Lunas sa Sakit ng Ulo

Sharing is Caring

Maraming iba’t ibang dahilan ng sakit ng ulo at maraming mga paraan upang ito ay maiwasan. Pagdating naman sa mga natural na lunas sa sakit ng ulo, marami ring pagpipilian. Maraming alternatibong paraan na hindi kailangang uminom ng mga gamot. Karamihan ng mga ito ay makikita mo sa iyong kusina.

Ang mga Natural na Lunas sa Sakit ng Ulo

1. Hot or Cold Compress– ang hot and cold compress ay ginagamit para mabawasan ang sakit ng ulo. Ang temperatura ay depende sa taong may sakit. Pero karamihan sa atin ay mas gusto ang cold compress. Ang hot compress ay epektibo sa sakit ng ulo na kung saan ang dahilan ay ang tension type headache. Halimbawa, kung ang sanhi ng sakit ay dahil sa pressure sa balikat, at iba pa.

Mainit at malamig na tubig at bimpo para sa sakit ng ulo.
Hot or cold compress

2. Pagligo– ang pagligo ay epektibo rin para mabawasan ang nararamdaman. Lalong lalo na kung ang dahilan ay ang sobrang init ng panahon.

Bukas na shower sa banyo o CR

3. Essential oils– ang aromatherapy, massage therapy, compress ng mga essential oils na angkop sa nararamdaman ay isang natural na lunas. Merong iba’t-ibang paraan kung paano gamiting lunas ang essential oils sa sakit ng ulo.

Essential oils, carrier oils, diffusers na  lunas sa sakit ng ulo

4.Apple cider Vinegar– ang apple cider vinegar para sa sakit ng ulo ay isang ring maiging paraan para malunasan ito.

Apple cider vinegar at sakit ng ulo

5.Herbal Tea Preparation– maaari mong gamitin ang fresh or dry na herbal. Ang herbal preparation na ito ay magbibigay ng lunas sa sakit ng ulo. Maglaga ng napiling herbal at maaari itong gawin sa 2 paraan; inumin o gawing compress.

  1. Basil
  2. Chamomile
  3. Coriander
  4. Dill
  5. Lavender
  6. Lemon balm
  7. Luya/ginger
  8. Marjoram
  9. Peppermint
  10. Rosemary
Mga benepiso ng paginom ng chamomile tea
Ginger tea o salabat at fresh ginger

Palamigin ang tea preparation sa refrigerator, at ito ang gamitin sa iyong cold compress.     

6. Vegetable and Fruit compress– isang makalumang paraan na ginagamit sa panahon ng ating mga lolo at lola at ng mga nauna pa sa kanila. Ang mga halimbawa ng mga gulay at prutas na ito ay balat ng saging, patatas, cabbage ay pwedeng itapal sa noo para natural na malunasan ang karamdaman. Gumamit ng panali (bandana o retaso ng tela) para siguruhing manatili sa noo.

Balat ng saging na pangtapal

Sa mga European, ang patatas ay ginamit na sinaunang lunas 200 taon na ang nakaraan.

Mga hiniwang patatas na gagamiting pangtapal sa parte ng katawan.

Sa European folk medicine naman, ang tawag sa repolyo (cabbage) ay ´´poor man’s poultice´´.

Buong repolyo o cabbage

7. Aloe vera compress– hatiin ang fresh aloe vera sa gitna at itapal sa noo. Maaari ring kayurin ang laman, ilagay sa bandana o retaso ng tela, at ito ang itatali sa noo.

Aloe vera plant at aloe vera gel

8. Cinnamon and honey mixture– maglagay ng 1 kutsaritang honey o tubig sa 1 kutsaritang cinnamon powder. Gumawa ng paste-like consistency, ibalot sa cheese cloth at itapal sa noo. Pabayaan ng 30 minutes to 1 hour, pagkatapos ay banlawan ng maligamgam na tubig. Ang cinnamon ay hindi pwede sa may sensitibong balat.

Cinnamon at honey sa platito
Cinnamon at honey na ginawang paste.

9. Acupressure of the hand

a. Ang pulang bilog ay ang Pressure Point LI (Hegu), ang malambot na parte sa gitna ng hintuturo at hinlalaki. 

Ang pressure point LI sa kamay
Minamasahe o acupressure LI o Hegu sa kaliwang kamay.

b. Pisilin ang Pressure point LI gamit ang isang kamay, imasahe ito ng paikot ng 3-5 minuto

Ang acupressure sa kanang kamay sa hegu point

At ganun din ang gawin sa kabilang kamay. Maaari ring gumamit ng essential oil bilang pangmasahe sa pressure point.

10. Luya at clove– paghaluin ang grated na luya at dried clove powder. Gawing paste-like ang consistency ng mixture gamit ang mortar and pestle. Ilagay sa cheesecloth at i-apply ito sa noo, sa sentido. Hayaan ng kahit 1 oras.

Pinaghalong clove powder at ginger o luya hanggang maging paste like ito.

11. Magnesium– kadalasan ang dahilan ng sakit ng ulo ay ang kakulangan ng magnesium sa ating katawan. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa mineral na ito. Importante na pagtuunan ng pansin ang tamang pagkain. Kumain ng mga masustansyang pagkain mula sa mga iba’t ibang uri ng prutas at gulay.

Tabletas ng magnesium mineral na supplement

12. Epsom Salt– ang isa sa benepisyo ng epsom salt (magnesium sulfate) ay nagbibigay ng ginhawa sa nararamdamang sakit ng ulo. Ibabad ang paa gamit ang sangkap na ito.

Epsom salt sa may garapon
Palanggana o wash basin na may tubig para sa pagbababad ng paa.

Sa isang palanggana, maglagay ng maligamgam na tubig (resonableng temperatura na kaya mo) haluan ito ng 1/2 tasang epsom salt at ibabad dito ang paa ng 30 minutes to 1 hour. Banlawan.
 

13. Tubig– kadalasan, ang kakulangan ng tubig sa ating katawan ay ang dahilan ng sakit ng ulo. Uminom ng tubig, baka ang nararamdaman mo ay isang senyales na nagkukulang ang katawan mo sa tubig. Mainam rin kung dagdagan mo ng lemon, calamansi, lime o apple cider vinegar ang inuming tubig.

Tubig o hydration para maiwasan ang stretch marks

14. Magpahinga– minsan ang sakit ng ulo ay parang isang ALARM na nagsasabing kailangang magpahinga ang iyong katawan.

15. Sandalwood essential oil– ang paglanghap ng sandalwood essential oil ay maaaring magbigay ng lunas. Maaari ring mag diffuse nito sa diffuser.

Mula sa ating kusina, napakarami nating pwedeng gamitin para sa natural na lunas sa sakit ng ulo. Walang rason para sabihin nating, wala tayong magagawa kundi ang uminom ng synthetic na gamot. Kailangan din siempre na baguhin ang lifestyles, kagaya ng pag-inom ng alak, sigarilyo, pagkain ng hindi tama. Mga bagay na sabi nga nila ay – Modifiable.

Ultrasonic essential oil diffuser

Paano gamitin ang mga natural na lunas pag masakit ang ulo

Sa mga natural na lunas na nabanggit, maaaring gawin ang hindi lang isang paraan. Halimbawa:

  1. Uminom ng tubig, maaaring lagyan ng lemon o calamansi juice o apple cider vinegar kung meron.
  2. Maligo o ibabad ang paa sa tubig na may epsom salt.
  3. Mag diffuse ng essential oil
  4. Mag compress gamit ang essential oil, o herbal tea compress, o fruit & vegetable compress, o spices & herbs compress o tubig lang.
  5. Magpahinga.

Simpleng paraan na epektibo at ligtas!




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *