April 22, 2024
Ang paggawa ng Milk & Salt body scrub na pampaputi at pampakinis ng balat

DIY Salt and Milk body scrub na parang A Bonne Spa

Sharing is Caring

Ang A Bonne Spa ay isa sa abot kayang produkto na body scrub na pampaputi na nabibili kahit saan. May mga lugar kagaya sa divisoria at online na mukhang sobrang mura ang benta. Kung mag-iisip ka, iisipin mo itong ¨fake¨ na produkto. At kung maeenganyo ka dahil sobrang mura, bibili ka nito. Sa dami ng mga napepekeng produkto ngayon, napakahirap ng magtiwala. Kung body scrub rin lang naman ang hanap mo, ito ang recipe ng DIY salt and milk body scrub na parang A Bonne Spa pero ¨chemical free¨

Mga sangkap sa paggawa ng DIY Salt and Milk body scrub

Sa paggawa ng body scrub na ito na parang A Bonne Spa scrub, gagamit tayo ng 4 na sangkap;

  1. Sea salt– 1 cup
  2. Powdered milk– 1/2 cup. Maaaring gumamit ng kahit na anong klase ng powdered milk basta hindi low fat o skimmed milk.
  3. Olive oil– 1-2 teaspoon
  4. Essential oil– depende sa gusto mo. Maaari ring gumamit ng fragrance oil kung walang essential oil.

At siempre kailangan din ng mixing bowl o mangkok na gagamitin, tinidor o whisk, at garapon.

Paraan ng paggawa ng DIY Salt and Milk body scrub

  1. Sa isang mangkok, paghaluing mabuti ang asin at gatas.

2. Kapag ang powdered ingredients ay napaghalo nang mabuti, dahan dahang ihalo ang olive oil. Haluin ulit itong mabuti hanggang sa maikalat ang langis sa powdered ingredients.

3. At ang pang huling sangkap ay ang napiling essential oil o fragrance oil. Kung ilang patak ang kailangan ay depende sa iyo. Pero sa aking ginawa, more or less ay nasa 20 drops ng lavender essential oil ang aking ginamit.

4. Haluing muling mabuti, siguraduhing wala na itong clumps o pagbuo buo ng powdered ingredients. Pag maayos na ito o tuyo na, ilipat ang ginawang DIY Salt and Milk body scrub sa isang garapon. Pwede na itong gamitin agad. Pero kung gusto nyong masettle at mabalance ang amoy ng essential oil na ginamit, pabayan ito ng 24 oras.

Paano gamitin ang DIY Salt and Milk body scrub

Kagaya ng ibang salt and milk body scrub, ang paggamit ng DIY body scrub na ito ay pagkatapos ng huling sabon sa katawan.

Kumuha ng DIY Salt and Milk body scrub, basahin ito ng kaunti at ipahid ito sa katawan. Magfocus sa parte ng katawan na maitim kagaya ng leeg, kili-kili, siko, singit, tuhod at paa. Pabayaan ito ng tatlo hanggang limang minuto. Pagkaraan ng ilang minuto, ito ay banlawan.

Mararamdaman na ang balat ay malambot. At sa regular na paggamit nito, mapapaputi at kikinis ang balat.

Maaari ring gamitin ito sa parte ng katawan na may stretch marks para ma exfoliate ang balat.

Ang paggawa ng Milk & Salt body scrub na pampaputi at pampakinis ng balat

Pagkatapos maligo ay gumamit ng moisturizing cream o lotion. Importante na maglagay ng lotion sa balat para hindi maging dry.

Gamitin ang salt and milk body scrub dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo. At isang beses sa isang linggo bilang maintenance.

Para maiwasang mabasa ang homemade salt & milk scrub at tumagal ang shelf life , gumamit ng tuyong kutsara sa pagkuha. Iwasang magintroduce ng moisture sa produkto.

Benepisyo ng Salt & Milk sa balat o kutis

Maraming benepisyo ang salt and milk sa pag-aalaga ng balat. Halimbawa, ang asin ay nakakatulong na maglinis ng pores ng ating balat, sinisipsip nito ang mga toxins, hindi drying sa balat dahil ang asin daw ay may abilidad ng panatilihin ang moisture sa ating kutis. At dahil sa magaspang ang texture nito, ito ang kadalasang ginagamit na sangkap sa mga body exfoliation products.

Pero kung ang texture ng asin ay masyadong magaspang para sa balat mo, maaari mo itong gilingin konti gamit ang mortar ang pestle o coffee grinder.

Ang milk o gatas naman, kagaya sa asin, ito ay isa ring cleanser. May abilidad itong linisin ang mga dumi sa balat at sa ating pores. At dahil sa meron itong natural na lactic acid, nakakatulong ito sa pagpapaputi ng ating mga kutis.

Gusto panoorin?

Ang paggawa ng Milk & Salt body scrub na pampaputi at pampakinis ng balat
Panoorin ang YOUTUBE Video

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *