April 22, 2024
Micellar water na pantanggal ng colored makeup na gawa sa bahay o DIY

Paano gumawa ng Micellar Cleansing Water sa bahay

Sharing is Caring

Andaming naglalabasang iba’t ibang uri ng cosmetic products. Noong una kong nakita ang micellar water sa ads, na curious ako kung ano ba ito. Ah, ito ay pantanggal ng kolorete at dumi sa mukha. Yun pala yun. At sa hitsura palang ng produkto, mukhang madali lang itong gawin sa bahay.

Ang micellar water daw ay gawa sa micelles ( tiny balls of cleansing oil molecules ) suspended in soft water. Ang micelles na ito ay ang nagtatanggal ng mga makeup, dumi at langis sa balat. Ginagamit ito bago maghilamos. Meron ding mga brand na kahit hindi mo hilamusan ang mukha basta gumamit ka nito, ok na. Pero sa diylangyan version ng micellar water, gamitin ito bago maghilamos ng mukha. OK?

Hindi naman masyadong mahal ang micellar cleansing water kung bibilhin mo ito. Ang isang bote na halos 500ml ay abot kaya sa bulsa. Pero siempre dahil sa ako ay mahilig mag DIY, bakit hindi nalang gawin sa bahay. Kung titignan mo ang ginamit na sangkap sa garnier micellar cleansing water, hindi naman complicated ang mga ingredients na nakapaloob dito. Accessible ang karamihan sa mga ingredients. Sa katunayan, marami ditong iba’t ibang uri ng surfactants. At kung logic ang pagbabasihan mo sa paggawa ng micellar cleansing water, ang importante sa sangkap ay, tubig at surfactant para sa pagtanggal ng dumi sa balat.

Kaya eto ang simpleng sangkap at simpleng paggawa ng micellar cleansing water sa bahay. Simple pero epektibo!

Paano gumawa ng DIY Micellar cleaning water sa bahay

Mga sangkap sa paggawa ng DIY Micellar Cleansing water

  1. Water- 44g
  2. Rose hydrosol- 40g
  3. Vegetable glycerin- 10g
  4. Propylene glycol- 1g
  5. Coco betaine- 3g
  6. Preservative- 2g

Paraan ng paggawa ng DIY Micellar Cleaning water

1.Paghaluin ang water, rose hydrosol at vegetable glycerin. Haluing mabuti.

Mga iba't ibang uri ng hydrosol o floral water na ginagawa sa paggawa ng hair and skin care products
Vegetable glycerin na gamit sa paggawa ng skin and hair care products at herbal extracts.

2.Ilagay ang surfactant na coco betaine. Haluin.

Iba't ibang uri ng surfactants na gamit sa paggawa ng sabon sa bahay

3.Ilagay ang preservative na gagamitin.

Mga preservatives sa paggawa ng diy cosmetics, hair care products at skin care products.

4. Kunin ang PH ng ginagawang diy micellar cleansing water at i-adjust ito.

PH meter at strips na ginagamit sa pagkuha ng potential of hydrogen

5. Ilagay sa bote.

Micellar water na pantanggal ng colored makeup na gawa sa bahay o DIY
Panoorin ang VIDEO

Maaari ng gamitin ang Micellar cleansing water!

Paano gamitin ang DIY Micellar cleansing water

Basahin ang cotton ball o cotton pad gamit ang homemade micellar cleansing water. Ipahid sa mukha para tanggalin ang makeup, dumi at langis. Maghilamos.

Mga sangkap na ginamit sa paggawa ng Micellar cleansing water

1.Tubig– ang tubig ay solvent ng mga iba pang sangkap na ginamit. Gumamit ng distilled o boiled water. Makakatulong ito sa pagpapatagal ng shelf life ng produkto. Maaari ring maglagay ng sodium phytate o phytic acid. Makakatulong ito sa stability ng produkto.

2. Rose hydrosol– ginamitan ko rin ito ng hydrosol para magkaroon ng konting amoy ang diy micellar cleansing water dahil ayaw kong lagyan ng essential oil o fragrance oil ang produkto. Kung wala kayong hydrosol maaaring gumamit ng rose water o ibang herbal water extract.

3. Vegetable glycerin– ang vegetable glycerin ay tatayong humectant para iwasang maging dry ang balat.

4. Propylene glycol– ang propylene glycol naman ay isa ring solvent, moisturizer at nakakatulong din ito sa pagtanggal ng dumi sa balat.

Propylene glycol na cosmetic grade na ginagamit sa paggawa ng skin ang hair care products na maaaring gawin sa bahay

5. Surfactant– cocamidopropyl betaine ang ginamit kong surfactant sa cleansing water. Importante ito sa sangkap para matanggal ang dumi o langis sa balat. Pero konti lang ang kailangan sa paggawa ng micellar water.

6. Preservative– ang leucidal sf max ang ginamit kong preservative. Maaaring gumamit ng ibang preservative na ginagamit sa paggawa ng cosmetic pero importante na tignan ang range ng ph o potential of hydrogen nito.

Pagkuha at pag-adjust ng potential of hydrogen

At ang pinaka IMPORTANTE sa lahat ay ang PH! Hindi pwedeng i-skip ang prosesong ito. Kung may nakita kayong vlogger o blogger na walang ph adjustment sa ginawang produkto sa paggawa ng micellar cleansing water, pahamak ang binasa o pinanood ninyo.

I-adjust ang potential of hydrogen at gawin itong neutral (PH 7.0 ). Para hindi masaktan ang inyong mata pag ginamit ninyo ang DIY micellar cleansing water sa pagtanggal ng mga ginagamit na makeup sa mata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *